John Lloyd Cruz, muli na bang makikita sa big screen?

0
50
john-lloyd-cruz-balik-pelikula-na-ba
John Lloyd Cruz

Tinapos na ng Kapamilya star na si John Lloyd Cruz ang kanyang acting hiatus matapos siyang lumabas sa teaser ng “Culion,” na isa sa mga pelikulang isinumite sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre. 

Sa huling bahagi ng teaser ay makikita na inilabas noong Lunes, surpresang ipinakita si Lloydie. 

Noong 2017 ang huling pelikulang pinagbidahan ni Cruz na “Finally Found Someone” kasama si Sarah Geronimo. Noong taong ding iyon, bigla nalang nawala sa industriya ang aktor kasama si Ellen Adarna, na ngayon ay napabalitang nakipaghiwalay na

Bago ipalabas ang teaser ng pelikula, hindi ibinahagi ng produksyon ng “Culion” na makakasama ang aktor sa proyektong ito. 

Ang pelikulang “Culion” ay isinulat ni Ricky Lee at direksyon ni Alvin Yapan. Ito ay tungkol sa kwento ng tatlong babae na si Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, at Meryll Soriano, na dumaranas ng Hansen’s disease sa bayan ng Culion. 

Bukod sa mga nabanggit, makakasama rin sa pelikula sina Joem Bascon at Mike Liwag. Sa ngayon, hindi pa inilalahad kung ano ang karakter ni Cruz, ngunit pahayag ng producer nito na si Shandii Bacolod, mahalaga ang papel na gagampanan ng aktor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here