Ano kaya ang naging payo ni John Lloyd Cruz kay Vhong Navarro tungkol sa pagkakaroon ng baby?

0
96
Ano kaya ang naging payo ni John Lloyd Cruz kay Vhong Navarro tungkol sa pagkakaroon ng baby
John Lloyd Cruz, ibinahagi ang kasiyahan ng pagiging ama sa bagong kasal na si Vhong Navarro.

Ibinahagi ni John Lloyd Cruz ang saya ng pagkakaroon ng baby sa kanyang speech sa kasal ng kaibigang si Vhong Navarro kahapon.

Ikinasal kahapon sa Japan ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro sa kanyang long-time non-showbiz girlfriend na si Tanya Bautista, na isang screenwriter sa ABS-CBN. 

Sa naging speech ng award-winning actor sa reception ng kasal, tuwang-tuwa ito sa pagbibigay ng payo tungkol sa paggawa ng maraming baby.

Kuha ito ng celebrity doctor na si Vicki Belo sa Instagram, kung saan makikitang malinis nang muli ang mukha ni John Lloyd mula noong kanyang “indefinite leave” sa showbiz noong 2017. 

“Gawa kayong baby, pare. Gawa kayong maraming baby. Masaya…” payo ni John Lloyd, na nagkaroon ng anak na lalaki sa dating nobyang si Ellen Adarna

“Parang iyon ang magpapaganda sa mundo … maraming babies para palitan ‘yong mga katulad natin,” dagdag ng aktor. 

Pinayuhan din nito ang bagong kasal na maging tapat sa kanilang wedding vows

“Parang gusto ko lang sundan ‘yung mga sinabi ni Father na sana maalala n’yo ‘yung mga sinabi n’yo today, mga binatawan, mga moves n’yo today with so much conviction.” 

Kamakailan naman ay kumalat sa social media ang litrato ng bonding ni John Lloyd kasama ang kanyang anak na si Elias. 

View this post on Instagram

Elias Modesto and John Lloyd Cruz. 🙂 #JohnLloydCruz

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Samantala, wala pang klarong balita kung makikita na ang aktor sa TV or big screen. Gayunpaman, spotted sila ng kanyang ultimate love team partner na si Bea Alonzo noong Hunyo sa Palawan, na inaakala ng mga fans na future project ng dalawa. 

Sa ngayon, ang kumpirmadong proyekto pa lamang ni John Lloyd ay ang kanyang cameo role sa MMFF film na “Culion.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here