Joyce Pring, ibinahagi na ang engagement nila ni Juancho Triviño

0
67
joyce-pring-juancho-trivino-engaged-na
Joyce Pring at Juancho Triviño, engaged na!

Engaged na ang celebrity couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño! Ngunit kailan pa?

Inihayag ni Joyce sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules na engaged na nga ito sa kanyang nobyong si Juancho mula pa noong Agosto. 

Sa larawan na kanyang ibinahagi, makikita ang engagement ring na ibinigay ni Juancho sa kanya.

“Been enjoying the privacy of our engagement for a while now… but finally decided to share the good news with all of you: God’s faithfulness in full fruition in our lives, intertwined,” aniya sa kanyang caption. 

“Last August 3, 2019, Juancho proposed in Boracay during my mom’s birthday trip. He flew our family, and closest friends, and surprised me with the sweetest pakulo, out of all the pakulos he’s ever pulled,” dagdag ni Joyce.

Nabanggit din nito na ipinanalangin nila ng ilang linggo ang desisyong ito, hindi ito naging dahilan upang hindi siya magulat sa proposal ni Juancho. 

“Although we had been praying about this decision for a couple of weeks, and even attended pre-marital counselling in church (more kwento soon), I was still so shocked and started UGLY CRYING on the beach when he kneeled and took my hand and asked me to be his wife.”

Sa katunayan, may mga nagawa na raw ang dalawa para sa kanilang darating na kasal. Lumipad pa sila patungong New York City upang sukatin ni Joyce ang kanyang wedding dress. Nag-food tasting at nagplano na rin daw sila para sa pinakahihintay nilang araw. 

“I can’t wait to gush and share it all with you soon!!! Eto na muna for now,”

Unang inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong May 2018 sa isang Q&A vlog.

At noong Oktubre naman, nakapanayam ng GMA News Online si Juancho at sinabi nito na ang pakasalan si Joyce ay ang kanyang “ultimate plan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here