Julia Barretto, may pa-open letter kay Bea Alonzo

0
101
Julia Barretto, may pa-open letter kay Bea Alonzo
Nagsalita na si Julia Barretto sa kanyang gustong sabihin mismo kay Bea Alonzo at sa mga nandadawit sa kanya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Matapos ang ilang linggong walang direktang pahayag si Julia Barretto sa isyu nila nina Joshua Garcia, Gerald Anderson, at Bea Alonzo, nag-post na ang dalaga sa kanyang Instagram account kagabi patungkol sa gusto niyang sabihin kay Bea. 

Pinauna ng Kapamilya aktres na tiniis nito ang mga masasakit na salita na narasan niya at ng kanyang pamilya dahil sa isyu. 

“It is exhausting and painful.”

“While some might have forgotten, I am also human.”

Tinukoy ni Julia ang dalawang issue na binabato sa kanya ng mga bashers at pro-Bea — na niloko niya si Joshua Garcia at siya ang naging dahilan ng break-up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. 

“Let’s be clear: Josh and I had broken up four months ago. We have publicly admitted it together and we have cleared that there was no third-party involved,” ang sagot ni Barretto sa isyu kay Joshua Garcia. 

“Secondly, I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their break up.,” sagot naman niya sa mga nandadamay sa kanya sa hiwalayang BeaRald. 

View this post on Instagram

Till the stars align again, Louie.. ⛩

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Ngunit dahil nga dinadawit na ang kanyang pangalan sa isyu, binasag na ni Julia ang kanyang katahimikan at sinabing, “However, since I was brought into this mess without a choice, this is what I have to say.” 

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern,” panimulang patama ni Barretto kay Alonzo. 

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU,” direktang pahayag na ni Julia. 

Tinutukoy ni Julia ang mga naging aktibidad ni Bea sa Instagram nang i-like niya ang mga posts na magkasama sina Julia at Gerald pagkatapos nitong mag post ng black photo na may caption tungkol sa tila panloloko ni Gerald sa kanilang naging relasyon. 

“You have encouraged a culture of hate by purposely liking harmless photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me,” dagdag ni Barretto. 

“You are a woman of great influence and following. You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead, you’ve used that to promote social media irresponsibility. That is downright bullying.” 

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” pagtatapos ni Julia sa kanyang mensahe kay Bea. 

The Barrettos 

Maliban sa buong suporta ng pamilya at iilan sa mga malalapit na kaibigan ni Julia, hindi lingid sa publiko na kampi naman ang kanyang dalawang tita kay Bea Alonzo

Hindi pa nga tapos sina Claudine at Gretchen Barretto sa pagpapahayag na si Bea ang pinapanigan nila sa mga pangyayari. 

Sa naging open letter ni Julia na ‘to, may nireplyan pa ang kanyang Tita Gretchen na isang comment kung saan naka-tag sila nina Claudine, Angelica Panganiban, at Angel Locsin. 

“[Wrong move Julia! Di ka bumilib dyan sa official statement mo! Mas lalo kang naging guilty at nuknukan ng nega dyan! Ewan ko sayo! Team Bea Alonzo all the way!]” ang sabi sa comment ng basher. 

“TEAM BEA FOR THE WIN,” reply naman ni Gretchen.

“THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST [WRITER] FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT,” dudang comment pa ni Gretchen. 

julia-barretto-may-open-letter-kay-bea-alonzo-1
Image Source: The Philippine Inquirer

Tinapos ni Julia ang kanyang post sa pagsabing, nagsalita siya dahil gusto na niyang mapalaya ang sarili. 

“This is me setting myself free and getting my soul back.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here