Sadya nga kaya nina Julia at Gerald ang kanilang parehong jersey number?

0
97
Sadya nga kaya nina Julia at Gerald ang kanilang parehong jersey number
Julia Barretto and Gerald Anderson at the recent Star Magic All-Star Games

Sinagot ni Marjorie Barretto, nanay ni Julia Barretto, ang comment ng isang netizen sa kanyang Instagram post ukol sa pagkapareho ng jersey number ng kanyang anak at rumored boyfriend nitong si Gerald Anderson. 

Nag-post si Marjorie sa kanyang IG account ng isang video kung saan hinahalikan nito si Julia matapos ang volleyball match ng kanyang anak laban sa grupo ni Kim Chiu sa nakaraang Star Magic All-Star Games. 

“Good game Juls! Congratulations #TeamKimChiu What a heart stopping game!” banggit ni Marjorie sa kanyang caption. 

Ang naging comment ng netizen sa post ni Marjorie ay ang kanyang obserbasyon sa magkaparehong numero 3 sa jersey ni Julia at Gerald. 

“NUMBER 3 rin si @andersongerald <3,” ang comment ng netizen. 

“Let me correct this before the story gets big and out of hand again. Number 3 has always been Julia’s jersey number since her high school varsity days. No special meaning,” ang reply naman ng nanay ni Julia. 

Relasyong Julia-Gerald

Matapos ang lahat ng mga akusasyon sa relasyong Julia at Gerald, inamin ng dalaga na hindi siya niligawan ni Gerald at hindi nito nobyo ang aktor. 

View this post on Instagram

HAZEL/LOUIE for @metrodotstyle

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan. Nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon,” sagot ni Julia kamakailan. 

Base naman sa mga dating panayam kay Gerald, na isang player din sa Imus Bandera para sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup, naipaliwanag na nito na pinili niyang maging numero ang ‘3’ sa jersey dahil sa kanyang NBA (National Basketball Association) Hall of Famer idol na si Famer Allen Iverson

Patuloy namang pinatunayan ni Marjorie sa kanyang IG stories na matagal ng numero ni Julia ang ‘3’ sa kanyang volleyball jersey. 

julia-gerald-jersey-number-1
Julia Barretto during the Star Magic All-Star Games in 2013
Image source: Marjorie Barretto/Instagram stories
julia-gerald-jersey-number-2
Julia Barretto’s recent volleyball game at the Star Magic All-Star Games
Image source: Marjorie Barretto/Instagram stories

Ikinumpara nito ang mga larawan ni Julia noong Star Magic All Star-Games 2013 at 2019 na nagpapatunay na matagal ng jersey number ng kanyang anak ang ‘3’.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here