Ayon kay kathryn, di bagay maging magkapareha sina Daniel at Julia

0
113
julia-hindi-raw-bagay-maging-leading-lady-ni-daniel-ani-kathryn
Kathryn Bernardo, inilista ang mga aktres na sa tingin niya ay babagay sa nobyong si Daniel Padilla.

Ayon sa aktres na si Kathryn Bernardo, hindi raw bagay maging kapareha ni Daniel Padilla si Julia Barretto.

Sa July 26 episode ng late night talk show na “Tonight with Boy Abunda”, tinanong si Kathryn kung bakit sa tingin niya hindi bagay si Daniel at Julia, at ito ang kanyang naging sagot:

“Feeling ko too young. Parang masyado nang bata for DJ, kasi ngayon, medyo pa-lolo na siya eh,” pahayag ng aktres.

Kabilang din sa inalis ni Kathryn sa listahan sina Nadine Lustre at Janella Salvador. Sa kabilang banda, sina Kim Chiu, Maymay Entrata, Pia Wurtzbach at Maine Mendoza naman ang sa tingin niyang babagay kay Daniel.

Bumisita si Kathryn sa programa upang i-promote ang pelikulang Hello, Love, Goodbye kung saan kasama niya ang Kapuso star na si Alden Richards. Ito ay ipapalabas sa Hulyo 31, Miyerkules, sa mga sinehan.

Samantala, sa isang ginanap na press conference, ibinahagi ng aktres kung ano ang nangyari sa viral video kung saan sinurpresa siya ni Daniel sa Hong Kong. 

Kinwento rin ni Kathryn kung papaano niya kinaya ang mawalan ng cellphone na siyang gamit niya upang makipag-usap sa nobyo sa loob ng isang buwan. Ayon sa direktor na si Cathy Garcia-Molina, kinumpiska niya ito upang maramdaman ni Kathryn ang sakit ng mawalan ng komunikasyon sa minamahal at para magampanan niya nang maayos ang kanyang karakter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here