“Wala akong inahas, wala akong nilandi,” Julia sa hiwalayang Bea-Gerald

0
68
Julia-sa-pagkadawit-sa-hiwalayang-Bea-Gerald-Wala-akong-inahas-
Julia Barretto

Itinanggi ni Julia Barretto ang pagkadawit niya sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson kasabay ng paglilinaw niya na hindi naging sila ni Anderson. 

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at saka wala din akong nilandi,” sabi ni Barretto sa kanyang panayam sa ABS-CBN News Online. 

Tinapos din ni Barretto ang mga espekulasyong nililigawan ito ni Anderson, ngunit pahayag nito na nananatili silang mabuting magkaibigan. 

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan. Nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon.”

Sinabi rin ng dalaga na kasalukuyan siyang nasa proseso ng pagpapagaling at hindi ito ang panahon upang magsisihan dahil marami na ring nasaktan sa nangyari.

“We’re all dealing with our own pain and ang pinakamasakit pa don is nadamay yung mga pamilya namin. Pero I’m really in the process of moving forward, healing,” pahayag niya.

“And hindi ito yung tamang panahon para magsisihan. This is not the right time anymore to point fingers. She’s hurting, he’s hurting, but so am I. I’m really in so much pain right now,” pagpapatuloy ng aktres. 

Gayunpaman, ayon kay Barretto, kailangan nilang magpatuloy at tuluyang gumaling mula sa epekto ng kontrobersya. 

“But kailangan magpakatatag e. We have to get back on our feet, and move forward, and heal from this. Wala kaming choice. We just have to respect each other’s pain. Everyone is hurting. Hindi madali ‘yung pinagdadaanan naming tatlo.”

Noong nakaraang buwan, kumalat sa social media at mga pahayagan ang isyu matapos magpahiwatig si Alonzo ng panloloko ng dating nobyong si Anderson, kung saan nadawit ang pangalan ni Barretto. 

Samantala, nilinaw ito ni Anderson at sinabing hiniwalayan niya ang aktres dahil sa kanilang malimit na awayan. Nilinaw rin nito na walang third party na pinagmulan ang naging hiwalayan. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here