‘Hello, Love, Goodbye’ premiere, dinaluhan ng stars ng dalawang networks

0
82
kapuso-kapamilya-sinuportahan-ang-hello-love-goodbye-premiere
Dumalo ang ilang mga Kapuso at Kapamilya artists upang suportahan sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa kanilang pelilukang 'Hello, Love, Goodbye'.

Bukod sa fans, dinagsa rin ng mga artista mula sa Kapuso at Kapamilya network ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ‘Hello, Love, Goodbye’, Martes, Hulyo 30.

Dumalo ang ilan sa mga malalaking artista ng magkabilang networks upang ipakita ang suporta sa kanilang mga kasamahan sa industriya.

Kabilang sa mga Kapamilya stars na nakita sa red carpet ay sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Joshua Garcia, Donny Pangilinan, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Edward Barber, at maraming pang iba.

Samantala, sina Ruru Madrid, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Benj Manalo, Mikee Quintos, at Christian Bautista naman ang mga Kapuso stars na dumalo.

Naging usap-usapan din sa live reports ng 24 Oras at TV Patrol   ang premiere night ng ‘Hello, Love, Goodbye’ dahil nga isa itong pambihirang pangyayari sa larangan ng show business.

Sa kabilang banda naman, nagpakita ng suporta ang on-screen partner ni Alden Richards na si Maine Mendoza sa kanyang Twitter account.

Ngayong araw, Hulyo 31, ay ipapalabas na ang ‘Hello, Love, Goodbye’ sa mga sinehan nationwide.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here