Kaya nga ba ng pamilyang may 5 miyembro ang P10,727 sa pagkain kada buwan?

0
101
Kaya nga ba ng pamilyang may 5 miyembro ang P10,727 sa pagkain kada buwan
Kakayanin nga ba nila ang sampung libong piso na budget sa pagkain kada buwan?

Ayon kay Ernesto Pernia, Socioeconomic Planning Secretary, kakayanin ng isang pamilya na may limang miyembro ang P10,727 buwanang budget sa pagkain kung hindi gagawing “magarbo” ang ihahain. 

Almusal na pinritong itlog (scrambled eggs), kanin, at kapeng may gatas ang isa sa mga suhestiyong pagkain sa isang araw ang kanyang binanggit. 

Ayon sa gobyerno, sakto na ang sampung libo kada buwan para pagkasyahin sa kailangang pagkain at mga ibang bagay ng isang pamilya. 

Sa tanghalian naman daw, maaari ang munggo na may malunggay, dilis, kanin, at saging. Samantalang sa hapunan, pritong isda o nilagang baboy, pinausukang gulay gaya ng kangkong, at kanin ang pwedeng ihain, ayon sa Philippine Stastistics Authority Assistant na si Sec. Rosalinda Bautista.

Hinati ang P10,727 sa kailangan ng isang pamilya may limang miyembro—P7,528 ang inilaan para sa pagkain. Kasama sa budget ang pagkakaroon ng isang merienda sa isang araw. 

“Ganoon ang pangunahing pangangailan, kaya hindi kailangang magarbo. Sigurado ako na maraming mga pamilya ang nabubuhay sa ganoong budget,” ani Pernia sa Ingles. 

Dagdag naman ni Bautista, maaaring mag merienda ng root crops tulad ng kamote o kaya naman ay pandesal. 

Isinaalang-alang ang inererekomendang 100% ng enerhiya at nutrisyon na kailangan ng isang tao sa isang araw na batay rin sa mga pagkaing mahahanap sa iba’t-ibang probinsya sa Pilipinas. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here