Kim Chiu at Maja Salvador, magkaibigan nang muli!

0
77
Kim Chiu at Maja Salvador, magkaibigan nang muli
Nag-bonding ang magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador sa New York Times Square.

Naibalik na ni Kim Chiu at Maja Salvador ang kanilang pagkakaibigan matapos ang ilang taong hindi pag-uusap. 

Naging usap-usapan ang mga masasayang litrato ng dalawa na kuha sa Amerika matapos ang show ng ASAP Natin ‘To

Sa naging interview ni Kim sa isang event ng kanyang produktong iniendorso, nasabi ng aktres na lahat ay maayos na sa kanila ni Maja. 

“Kami kasi ni Maja ‘di namin pinagusapan eh. Parang kinalimutan na namin ‘yung dalawang taon na ‘yon. Parang ang galing lang, kung bibilang ka ng 1 to 5, hindi na kasali yung 3 and 4. Nakakatuwa kasi hindi naman lahat gano’n,” 

Kumalat noon sa publiko na nag-away at hindi na magkaibigan ang dalawa matapos naging kasintahan ni Maja si Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Kim.

“May mga taong nagho-hold ng grudges, may taong hindi, so masaya ako na kaming dalawa hindi kami nagho-hold ng grudges. Sobrang happy niya today. Masaya naman ako for her and malapit na ‘yung birthday niya,” dagdag ni Kim. 

Tinanong din ang aktres kung anong mga natutunan niya sa naging paghihiwalay nila bilang magkaibigan ni Maja.

“Kasi dapat dumaan din sa gano’n eh para makita mo rin kung gaano ka katibay as a person at sa pagkakaibigan. Parang ‘pag lahat perfect hindi mo na mararamdaman ‘yung feeling ng pagiging masaya. ‘Di ba dapat gano’n, bumaba ka muna para maramdaman mo ‘yung feeling ng nasa taas?” paliwanag ni Kim. 

Hindi lang sa pagkakaibigan masaya ang dalawang aktres kundi sa kanya kanya nilang relasyon sa kanilang nobyo. 

Si Kim ay masaya sa piling ni Xian Lim, na kanya ring on-screen partner; si Maja naman sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez Ortega, na isang businessman. 

View this post on Instagram

Cinco de Me & You! ??? #cincodemayo

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez) on

Abala din ang dalawa sa kani-kanilang proyekto — palabas na sa mga telebisyon ang The Killer Bride ni Maja habang magbibida naman si Kim at Xian sa bagong serye sa ABS-CBN na Love Thy Woman. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here