“Why do we always blame the girl?”: Kris Aquino on Julia-Gerald-Bea issue

0
122
Why do we always blame the girl” Kris Aquino on Julia-Gerald-Bea issue
Nakapagbigay ng opinyon si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ukol sa relasyong Julia Barretto-Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Nakapagbigay ng opinyon nang hindi oras si Kris Aquino tungkol sa relasyong Julia Barretto-Gerald Anderson at Bea Alonzo nang dahil sa isang comment sa kanyang post sa Instagram kasama si Erich Gonzales. 

Nag-post ng litrato ang Queen of All Media sa kanyang Instagram account kasama ang malapit sa kanya na sina RB Chanco at Erich Gonzales, na itinuturing ni Kris na kanyang “panganay.” 

Alam ng publiko na malapit din si Erich Gonzales sa pamilyang Barretto at kaibigan din niya sa industriya si Gerald, kaya nakapag-comment ang isang netizen na: 

“Kris, ask naman Erich about the Julia-Bea feud. She’s bff with Julia and friends with Gerald.” 

Dahil kilala din na nagrereply si Kris sa kanyang mga taga-comment sa social media, sinagot nito ang netizen. 

“Pwedeng wag nega? ang hindi natin buhay wag na nating guluhin especially Erich na hindi directly involved?” 

“obviously alam natin na mahal ko si Bea but diba unfair to judge Julia because why do we always blame the girl?”

Hindi lang iyon, dagdag pa ni Kris sa kanyang comment, “I can already feel the Gerald fans will blast me for this, but I have always told Bimb, hindi mahirap [makipagbreak].”

“Respect someone you cared about enough to give them closure. Then move on. Ganun lang kasimple yun. Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye.”

“So please respect women??? And don’t pit them against each other. Even those with no issues.”

kris-aquino-on-julia-gerald-bea-issue-1
Image Source: PEP.ph

Nabanggit nga ni Bea Alonzo sa isang interview na walang naganap na break-up sa kanila ni Gerald Anderson. 

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

Samantala, wala pang direktang sagot sina Julia at Gerald sa kanilang kinakaharap na issue. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here