Naging matagumpay ang pagsasama ni KZ at Shanti Dope sa kantang ‘Imposible’

KZ at Shanti Dope? WOW!

0
199
kz-and-shanti-dopes-imposible

Napakinggan na ang musikang pinagtulungan ni KZ Tandingan at Shanti Dope na Imposible noong Biyernes, Hunyo 7.

Mula pa lamang noong ipinalabas ng Star Music ang teaser ng kanta ay talagang inabangan na ito ng kanilang mga tagahanga!

Mapakikinggan ang kantang ‘Imposible’ sa lahat ng music platforms habang mapapanood naman sa YouTube and lyric video nito.

Orihinal na Kanta ni KZ

Ito ay orihinal na kanta ni KZ Tandingan na kabilang sa kanyang pangalawang album na Soul Supremacy.

Si Shanti Dope ang nag-rap sa ibang song lyrics na talaga namang bumagay kanta na lalong nagpatunog ‘millennial’ sa kolaborasyong ito.

Reaksyon ng mga Tagapakinig

Ano pa bang aasahang produkto mula sa isang KZ Tandingan? Samahan pa ng isang Shanti Dope na may natural na talento sa pagra-rap.

Proud na proud ang producer nila na si Jonathan Manalo sa musikang bagong sinasabayan ng madla.

Gayun na din ang mga masugid na taga-pakinig ng ‘Imposible’ mula pa noong lumabas ang album ni KZ.

Hindi malayo na bibigyan pa ng mas maraming proyekto ang dalawa dahil maganda ang naging resulta ng kanilang unang collab sa musika.

Hinay hinay lang sa repeat button, mga kaibigan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here