Alamin kung paano ipinagdiwang ng LizQuen ang kanilang ika-5 anibersaryo!

0
137
lizquen-ika-5-taong-anibersaryo
Liza Soberano at Enrique Gil

Ipinagdiriwang ng on-and-off-screen partners na sina Liza Soberano at Enrique Gil, o kilala bilang “LizQuen,” ang kanilang ika-limang anibersaryo ngayon taon.

Kahapon ay ibinahagi ni Liza ang larawan nila ni Enrique sa kanyang Instagram na may caption na:

“This is to us. I love you always and forever.”

Karugtong ng larawan ay isang video clip ng kanilang simpleng dinner date bilang selebrasyon ng kanilang anibersaryo.

Sa kabilang banda, nag-post rin si Enrique upang batiin ang kaniyang nobya.

“My always and forever. Happy anniversary. Thank you for always making me smile baby. I love you so much,” aniya sa kanyang caption.

Noong Oktubre 2014, nabuo ang LizQuen para sa teleserye ng ABS-CBN na “Forevermore.”  

Nagpatuloy ang kanilang tambalan noong 2015 sa mga pelikulang  “Just The Way You Are” at “Everyday, I Love You,” na parehong tinangkilik ng marami.

Samantala, nitong Pebrero lang inamin ng dalawa ang kanilang relasyon na nagsimula noong 2014.

Ngayong taon ay magtatambal muli ang LizQuen sa teleseryeng “Make It With You” sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here