LizQuen, magbabalik telebisyon na!

0
58
LizQuen-magbabalik-telebisyon-na
Excited na ang LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) sa kanilang bagong teleserye.

Naghahanda na ang real-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa kanilang bagong pagbibidahang teleserye. 

Noong Miyerkules, nag-upload ng bagong vlog ang manager ni Soberano na si Ogie Diaz, at doon napag-usapan ang bagong proyekto ng tambalang LizQuen. 

Sa video, kagagaling lamang noon nina Diaz at ng mag-nobyo sa story conference ng kanilang bagong serye. 

“Bakit kayo nandito sa ABS-CBN?” ang tanong ni Diaz sa couple. 

“Preparations na po para sa bagong teleserye,” ang sagot ng dalaga sa kanyang manager. 

“Super exciting,” dagdag pa ni Gil. 

Nabanggit din ni Diaz na walang balita ang mga fans sa kanilang tambalan. 

“Naku! Naririnig nga namin sa social media. Huwag kayong mag-alala guys, malapit na kaming lumabas. Wait lang kayo diyan,” sagot ng aktor. 

View this post on Instagram

☀️☀️☀️

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Tinanong din ni Ogie kung anong pinagkaiba nitong bago nilang proyekto sa mga nakaraan nilang teleserye. 

“Siguro iba ‘yung mga character na ipo-portray namin dito. Mas spunky si Liza dito,” Gil said.

“’Tas mas sexy si Quen dito,” masayang dagdag ni Soberano. 

“Sa mga fan na naghihintay diyan, alam ko you guys are very disappointed, you guys are sad, but don’t be sad, we are here. We are happy, we are in love and we are thinking about you everyday. Kaya ito na lalabas na kami soon,” paalala ni Gil sa mga fans. 

Ibinahagi rin ng dalawa na may mga pinagkakaabalahan sila sa matagal nilang pagkawala sa harap ng camera — si Liza sa kaniyang pag-aaral at si Quen naman sa kanilang family business. 

Bukod sa bagong teleserye ng LizQuen, naghahanda rin ang dalawa para sa kanilang pagbabalik takilya. 

View this post on Instagram

Midnight blues

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Sabik na din ang dalawa sa nalalapit na ABS-CBN Ball sa Oktubre. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here