‘Hindi po sa amin ‘yan,’ pagtanggi ni Loonie sa nasabat na marijuana sa kanya

0
93
Pagtanggi-ni-Loonie-sa-nasabat-na-marijuana-sa-kanya
Kasamang inaresto ng Makati police ang kapatid na babae ng sikat ng FlipTop battle rapper na si Loonie.

Inaresto ang sikat na rapper na si Loonie sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng gabi sa Barangay Poblacion sa Makati. 

Si Loonie, o Marlon Peroramas sa tunay na buhay, kasama ang 4 pang indibidwal, kabilang ang kayang kapatid na babae, ay hinuli sa basement ng isang hotel bandang alas-8 ng gabi. 

Kasama ng cellphones na nakuha sa kanila ay ang 15 balot ng tuyong dahon na pinaghihinalaang mataas na klase ng marijuana o kush, na nagkakahalaga ng mahigit P100,000, ayon sa Makati police. 

“Hindi totoo lahat ng paratang sa akin. Hindi po sa amin ‘yan,” pagtanggi ng sikat na rapper sa mga reporter. 

“Ang cellphone ko po diyan ‘yung isa. ‘Yang maliit hindi po ‘yan sa akin. ‘Yang pera, t’saka lahat ng nasa sachet, hindi po sa akin ‘yan,” dagdag nito.

Banggit pa ng FlipTop rapper ay nagpunta sila doon para sa isang bata na may cancer. 

“Nanggaling pa po ako sa radio interview kanina. Dumiretso po ako dito tapos bigla na lang pong ganun,” paliwanag niya. 

Tunog ng rapper 

Gayunpaman, ayon sa hepe ng Makati City police na si Rogelio Simon, ay nasabihan na sila sa diumanong iligal na operasyon nina Loonie sa lugar na iyon. 

“Tumutugma ito sa lahat ng impormasyon na ibinigay ng ating informant na karamihan ng mga activities niya ay ginagawa dito sa Makati.”

Dagdag pa ni Simon na isang buwan na nilang minamanmanan si Loonie bago pa nila isagawa ang kanilang naging operasyon. 

“Isinasabay niya ang pagdi-distribute ng ganitong klase ng kontrabando. Itong kush na ito. Itong high-grade na marijuana na ito,” pagbuod ng hepe. 

Si Loonie ay kilala sa larangan ng rap battle league na FlipTop. 

Kasama ni Loonie ang kanyang kapatid, road manager, drayber, at isa pa nilang kasama na haharap sa kahihinatnan ng paglabag nila sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here