Maine at Alden, muling nagkasama sa isang promo event

0
231
Maine at Alden, muling nagkasama sa isang promo event
AlDub Nation knows how to do it.

Naging matunog muli ang AlDub Nation, fanclub nina Maine Mendoza at Alden Richards, para sa 11.11 sale event promo ng Shopee. 

Matagal-tagal nang hindi nagsasama ang dalawang Kapuso stars dahil tila (sa paniniwala ng kanilang mga fans) ayaw silang pagsamahin sa isang “actual project” ng kani-kanilang management.  

Ngunit sa naging event promo ng online shopping brand kagabi, muling nagsama ang dalawa, na siya namang ikinaligaya ng kanilang mga fans. 

Isa sa mga patunay kung paano nila suportahan ang dalawa ay ang “pagpuno ng kanilang mga Shopee cart.” 

Laking pasasalamat ng mga ito sa brand dahil pinagsama nilang muli ang kanilang OTP. 

Sa katunayan, hindi magkamayaw ang AlDub fans nang makita na nila ang kanilang mga idolo sa event stage. 

Dahil dito, naging top trending topic ang event ng Shopee sa Twitter gamit ang #AlDubOnShopee, gayon na din ang #MaineShopeeBiggestSale. 

Pinatuyan ng mga fans na hindi sila natutulog pagdating sa mga ganap nina Maine at Alden, kahit na ramdam nilang hindi suportado ng respective management na magsama ang dalawa sa isang proyekto sa ngayon. 

Gayunpaman, tiwala silang may tamang panahon para sa muling pagsasama ng AlDub sa isang proyekto. 

Sa isang banda, kahit na masama ang pakiramdam ni Maine kagabi ay nagawa pa nitong ipamalas ang kanyang galing sa pagsasayaw

Kasama sa event ay iilan pa sa mga Kapuso stars na sina Heart Evangelista, Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Gabbi Garcia, at ang iconic singer na si Mr. Jose Mari Chan na kumanta ng Christmas theme song ng Shopee. 

Ipinalabas ang event promo kahapon, Nov. 10, 10:30PM sa GMA 7.

READ: SMB import McCullough crushes over Maine Mendoza!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here