Maine Mendoza, umamin na gusto talagang makapareho si Carlo Aquino

0
55
maine-inamin-ang-paghanga-kay-carlo
"Isa Pa With Feelings" stars Carlo Aquino and Maine Mendoza at a media conference

Sa media conference ng pelikulang “Isa Pa With Feelings” na pagbibidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, inamin ng aktres na gusto talaga nitong makapareha ang Kapamilya actor. 

“Siya po talaga ang gusto kong maging leading man.” 

Kasabay nito, ibinahagi ni Maine ang kayang naging reaksyon noong nalaman niyang magkakaroon sila ng proyekto. 

Ipinahayag nito ang kanyang paghanga sa aktor nang mapanood niya ang pelikula nila ni Bela Padilla, na “Meet Me In St. Gallen.”

“Talagang ‘yung admiration ko doon sa character niya, kay Jesse, nung napanood ko siya parang naging crush ko siya nang slight.”

Ngunit ayon sa social-media-sensation-turned-actress, nawala daw ang pagka-crush nya kay Carlo  pagkalabas niya ng sinehan dahil iba siya pagdating sa big screen. 

“So sabi ko kung magkaka-movie ako sana ay mabigyan ako ng chance na si Carlo ang makapareha ko,” aniya.

Sa kabilang banda, inamin din ni Carlo na kinabahan at napressure siya nang matanggap ang balitang magkakasama sila ni Maine sa isang pelikula dahil galing ang aktres sa isang malaking love team. 

“Pero more than that excited talaga ako na makatrabaho niya dahil dati pinapanood ko lang ‘yung dub, dub niya. Quiet, quiet lang siya noong una, nung tumagal-tagal, kalog pala,” pahayag ng aktor. 

Ngunit sa kabila ng pressure, mas higit daw niyang in-enjoy ang bagong makakapareha at itinuon ang kanyang pansin sa kung ano ang bago niyang matutunan, na sinang-ayunan naman ni Maine. 

“Same rin ako. Parang winelcome at in-embrace ko na rin ‘yung pagkakataon to get to know another person, to work with another actor, with another team, in-enjoy na lang po namin,” sabi ng dalaga. 

Ngayong darating na Oktubre 16 ay ipapalabas na ang “Isa Pa With Feelings” sa mga sinehan sa buong bansa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here