Arjo, may isinusulat na istorya para sa kanila ni Maine Mendoza!

0
130
maine-mendoza-arjo-atayde-relationship

Bukas sa posibilidad na bumida si Maine Mendoza sa isang pelikula kasama ang napapabalitang nobyo na si Arjo Atayde.

Ibinahagi ni Maine sa media na may isinusulat na istorya si Arjo.

“Sana po, sana. Kasi mayroon din siyang sinusulat na istorya, and magpo-produce na rin naman siya,” ani Maine sa media conference ng “Mission Unstapabol: The Don Identity”, isang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival, kung saan kasama niya si Bossing Vic Sotto, Jake Cuenca, at Pokwang.

“Ginagawa niya naman daw ‘yun for the two of us, ‘yung story,” dagdag pa ng dalaga.

Nagkwento rin si Maine ng ilang detalye sa relasyon nila ni Arjo, kung saan tila napalapit na ang dalawa sa pamilya ng isa’t isa.

Masaya siya na suportado ng kanyang mga kapatid ang relasyon nito sa binata.

“Mas close pa nga sila ng kapatid ko kaysa sa akin. Ganun po ‘yung na establish na relationship sa mga kapatid ko,” aniya.

Ibinahagi rin ng TV host-actress kung paano natuloy ang family dinner na kanyang binuo para sa pamilya ni Arjo Atayde.

“Napag-usapan lang po before kasi hindi na po nasundan ‘yung na meet ko ‘yung parents sa bahay nila and then sakto pa na ‘yung two movies. Segue ako, so sabi ko kay Arjo, ‘Ito na may free time na dinner na tayo.'”

Mas bukas na si Maine ngayon na magkwento patungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actor. Pahayag ng dalaga: “Eh kasi wala naman naman pong dapat itago, ‘yun lang. Open naman na po kami.”

Mapapanood si Maine Mendoza kasama si Vic Sotto sa MMFF entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity” ngayong Disyembre 25.

Panuorin ang naging panayam kay Maine Mendoza rito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here