‘Wala namang announcement,’ Maine Mendoza on AlDub breakup

0
61
‘Wala namang announcement,’ Maine Mendoza on AlDub breakup
Sinabi ni Maine Mendoza na wala namang announcement na hiwalay na ang tambalang AlDub nila ni Alden Richards.

Sinagot ni Maine Mendoza na wala namang hiwalayang nagaganap sa tambalang AlDub (Alden-Yaya Dub) nang tanungin ito kung hiwalay na nga ba ang tambalan nila ni Alden Richards. 

Sinagot ito ni Maine sa isang event ng produktong feminine wash na kanyang ineendorso. 

“Nandyan naman talaga ang AlDub dahil everyday kami sa Eat Bulaga and wala namang any announcement na pinaghiwalay na or anything,” ang sagot niya. 

Dagdag pa ng Eat Bulaga host na ang mga pagbabago sa kanyang trabaho ngayon ay higit na nakatutulong sa kanyang pagkatao. 

“Pero siyempre ‘yung nangyayari ngayon sa career ko, iko-consider ko rin siyang refreshed na parang nag-grow din ako as a person, as a host, as an actress, as a celebrity.”

“Tulad nga ng sinabi ko, hindi kasi tayo pwedeng mag-stay lang sa isang place. At a certain point in life, kailangan talaga nating mag-grow, mag move forward. I would consider the changes that happened in my life (to be) positive changes,” dagdag niya. 

Nasabi din ng aktres na hangad niyang marami silang matutunan ni Alden sa mga nangyayari sa kanilang buhay ngayon para mas maging handa sila sa mga susunod na panahon. 

“Ineexpect ko na sana marami pa kaming matutunan na ibat-ibang bagay — tungkol sa buhay, sa industriya, basta life in general. Kasi marami pa kaming pagdadaanan in the future, so sana marami kaming mabaon na leksyon na magagamit namin sa pagtanda namin.” 

Parehong sumasabak ang AlDub sa kaniya-kaniyang pagbabago sa kanilang buhay artista ngayon — si Alden ay kasalukuyang namamayagpag sa tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Goodbye,” at susunod namang aabangan ay ang magiging pagtatambal ni Maine at Carlo Aquino sa kanilang pelikula na “Isa Pa With Feelings”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here