Maja Salvador at non-showbiz boyfriend, ikakasal na nga ba?

0
87
Maja Salvador at non-showbiz boyfriend, ikakasal na nga ba
Maja Salvador with her businessman boyfriend Rambo Nuñez Ortega

Walang mapaglagyan ng saya ang Kapamilya leading lady na si Maja Salvador sa mga kaganapan sa kanyang buhay ngayon. 

Bukod sa mga sunod-sunod na blessings sa kanyang career, maging ang kanyang personal na buhay ngayon ay puno ng ligaya. 

“Actually walang kulang… Feeling ko, sa ating lahat, feeling natin may hinahanap tayo. At sometimes kailangan natin sabihin sa sarili natin na kung ano ang para sa atin talaga, ay para sa atin. ‘Yung huwag natin hanapin kung ano ‘yung wala pa tayo,” banggit ng award-winning actress. 

Ang non-showbiz boyfriend ni Maja ngayon na si Rambo Nuñez Ortega ang isa sa mga pinaka dahilan ng kanyang mga ngiti sa labi. 

Aniya, pati ang pamilya ni Rambo ay talaga nga namang suportado at masayang-masaya para sa kanilang rekindled love.

“Walang nagbago. After nine years, mas quadruple pa ‘yung love na binibigay nila, especially ‘yung mga kapatid niya, lalo na si Tita Marilen (Nunez, ina ni Rambo). Since very supportive sila. ‘Yung talagang ipaparamdam nila na parte ako ng pamilya nila,” kwento ni Maja. 

Kaya’t natanong ang aktres kung malapit na nga ba itong humarap sa altar, dahil kita naman kung gaano ito ka-vocal sa social media ngayon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig

“Wala pa. Sabi ko nga sa ibang interviews ko, ito ang first time na sobrang open ako sa relationship ko. Sa Instagram, as in wala, very open ako. So hindi ko po ipagkakait ‘yung moment na ‘yun, ‘yung happiness na ‘yun, kung mangyari man ‘yun.Kung mapagdesisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po,” sagot ng aktres. 

Sa ngayon, abala ito sa kanyang pinagbibidahang ABS-CBN teleserye na “The Killer Bride.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here