Sinimulan na ngayon, Oktubre 14, ang malawakang adbokasiya sa Pilipinas laban sa polio na may temang, “All-out War Against Polio”. 

Ito ang sabayang patak kontra polio na pinangungunahan ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) Philippines, United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) Philippines, at Philippine Red Cross (PRC). 

Kasalukuyang isinasagawa ang oral immunization sa mga batang may edad limang taon pababa sa National Capital Region (NCR), Lanao del Sur, Marawi City, Davao City, at Davao del Sur. Ito ay nakatakdang maisagawa hanggang ika-27 ng Oktubre. 

Samantala, sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 7, magaganap din ang sabayang patak kontra polio sa lahat ng lugar sa Mindanao at muli sa NCR. Pagkatapos, muling isasagawa ang immunization sa Mindanao sa darating na Enero 6 hanggang 18 sa susunod na taon. 

Payo ng mga health advocates, dapat na makatanggap ng polio immunization ang mga bata kahit na sila ay nabakunahan na noon, maging ang mga batang unang beses pa lamang tatanggap ng bakuna kontra polio.

“It’s time for us to all come together now and ensure that every single child under the age of five is vaccinated,” payo ng WHO consultant na si Keith Feldon sa paglunsad ng malawakang polio immunization sa Davao City ngayong umaga. 

Pagkatapos makatanggap ng oral immunization ang mga bata ay minamarkahan sila ng asul na tinta sa kanilang hinliliit.  

Ibinahagi rin ng doktor ng DOH na si Dr. Silva na, “Unless we reach the target of 95% and above, hindi po tayo nakakasiguro na tayo’y matatapos sa 3 rounds lamang. Simula po ngayon, the goal is to stop transmission of polio by reaching 95% of our children under 5.”

Ayon kay Doktora Silva, naging polio-free noong 2000 ang bansa dahil sa pagkakaisa ng lokal na gobyerno at health workers. Gayunpaman, ayon sa kanya, tila naging kampante na hindi na muling babalik ang virus, ngunit ngayon ay muling kumalat sa bansa dahil nakalimutan ito. 

Patak kontro polio 

Ngayong umaga ay sabay-sabay na naglunsad ng programa ang mga nasabing lugar na nakatakdang magkaroon ng malawakang patak kontra polio ngayong araw. 

Bukod sa mga barangay sa mga naturang lugar sa NCR, nakikibahagi rin ang Makati Medical Center sa nagaganap na polio immunization campaign ng DOH. 

Katuwang rin ang ibang mga local government units (LGUs) sa pagpuksa ng polio sa bansa.

Samantala, pinangunahan naman ni Mayor Vico Sotto ang polio immunization sa Pasig, na ginanap pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony. 

Maging ang mga dahuyan at bibisita ngayon sa Pilipinas ay inaanyayahan ng DOH na magpabakuna.

“Foreign nationals and returning Filipinos of all ages who are intending to stay in the Philippines for 4 weeks and more, are encouraged to receive a single dose of inactivated poliovirus vaccine (IPV) not later than 4 weeks before their scheduled travel to the Philippines. Given that the traveler has not received polio vaccination in the last 12 months.” 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here