Manny Pacquiao, namahagi ng pera sa kanyang mga kababayan

0
82
manny-pacquiao-namahagi-ng-pera-sa-kanyang-mga-kababayan
Masayang namahagi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang mga kababayan sa Sarangani Province.

Noong Sabado ng hapon ay sorpresang bumisita ang People’s Champ at senador na si Manny Pacquiao sa Sarangani Province upang mamahagi sa kanyang mga kababayan. 

Ayon kay David Sisson na isa sa kanyang staff, naisipan lang daw ni Pacquiao na dumalaw sa Brgy. Spring, sa bayan ng Alabel. 

“He just thought of going there. He did not inform the media. He just wanted to visit the Pacman village and gave out P1,000 for the adults and P500 for the kids,” ani Sisson.

Tuwang-tuwa naman ang mga kababayan nito dahil sa inaasahang pagdalaw ng kanilang pride. 

View this post on Instagram

The People’s Champ @mannypacquiao

A post shared by David Sisson (@david.sisson) on

“May bata kasi dito tumakbo sa amin, sabi niya andiyan si Pacman, namimigay ng pera,” pahayag ng isa sa mga residente roon.

“Kaya ayon takbuhan kami lahat at nagpila talaga. Nabigyan ako P1,000, binili ko kaagad ng bigas. Salamat talaga kay Senator Manny, nakabili ako ng bigas.”

Samantala, higit daw sa 600 katao ang nabahagian ni Pacquiao, ayon kay Sisson.

“Not just the Pacman villagers. There are times that along the highway, he would stop by a tricycle driver or a jeepney driver. He talks to them and then give out some cash,” sabi niya.

Dinadayo ng mga kababayan ni Pacquiao ang kanyang tahanan sa General Santos City sa tuwing meron itong laban upang makahingi ng balato. Karamihan sa mga ito ay pumupunta dahil sa meron silang kamag-anak na may sakit at walang maipambayad sa ospital. 

Nitong Biyernes naman ay bumalik sa GenSan si Pacquiao, na mag-iisang buwan nang hindi nakakauwi roon pagkatapos ng laban niya kay Keith Thurman. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here