Matteo kay Sarah: ‘You’ve touched my life in ways that I cannot explain, thank you’

0
255
matteo-sarah
Mula noong umamin sila noong 2014, masaya sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang pribadong relasyon.

Ika-31 na kaarawan ng Kapamilya singer na si Sarah Geronimo kahapon. Nag-post ang nobyo nitong si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account ng napakatamis na mensahe para sa kanya. 

Banggit ni Guidicelli sa kanyang mensahe para kay Sarah na wag tanggalin ang kinang sa kanyang mga mata at ipinagsigawan sa kanyang caption na mahal na mahal niya ito. 

“My love, happy, happy birthday! You are the most beautiful woman to ever cross my life. We keep our relationship very private but before the day ends let me say that I love you very much. No one and nothing can stop me from loving you more and more each day. We are bulletproof together, love.

Keep that glow in your eyes and that magical heart. You’ve touched my life in ways that I can not explain, thank you. Keep being you and shine forever! I love you! Happy birthday!”

Hindi lang ang mga fans ng dalawa ang kinilig sa mensahe ni Matteo kundi pati ang kanilang mga kaibigan sa industriya. 

Mula nang inamin ng dalawang Kapamilya celebrities ang kanilang relasyon noong 2014, nananatili pa ring pribado ang kanilang relasyon. Matagumpay naman nilang nailalayo ang kanilang pribadong buhay kahit na paminsan-minsa’y nagpopost ang aktor ng litrato nilang magkasintahan.  

Ngunit na kahit kakaamin pa lamang ni Guidicelli noong 2014 ng kanilang relasyon, nabanggit ng aktor noong panahong ding iyon na ikatlong anibersaryo na nila ni Sarah. Kung bibilangin ay bale ika-6 na anibersaryo na ng dalawa ngayong 2019.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here