DA: Mga baboy na namatay, kumpirmadong positibo sa African Swine Fever

0
97
african-swine-fever-sa-pilipinas

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ngayong Lunes na positibo sa African Swine Fever ang 14 sa 20 na nasuring blood sample ng mga namatay na baboy na dinala sa United Kingdom. 

“We received late last week the laboratory test results coming from the United Kingdom on this test called polymerase chain reaction test. And 20 blood samples have been sent. And out of the 20 blood samples, 14 are positive with African Swine Fever,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa isang press conference. 

“7,416 have been depopulated. When I say depopulated, kasama na ‘yun apektado at hindi apektado within the one kilometer radius,” dagdag niya.

Nang tanungin naman siya kung anong mga lugar na apektado ng African Swine Fever, sinabi niya niya kabilang dito ang Rodriguez at Antipolo Rizal, at Guiguinto Bulacan.

Sa ngayon, kasalukuyang inaalam ng DA ang ulat ng posibleng kaso ng naturang sakit sa iba pang mga lugar. 

Pahayag ni Dar, ito ay maaring dulot ng mga tira-tirang pagkaing dinala sa mga lokal na sakahan buhat sa mga hotel at restawran na ipinapakain sa mga baboy. Bukod dito, maaaring nagmula ito sa mga produktong baboy na dinaladala ng mga Pilipino mula sa mga bansang apektado ng sakit. 

Samantala, maglalabas ng P187 milyon ang Department of Budget and Management upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga baboy. Kasama rito ang pamimigay na P3,000 na tulong pinansyal sa mga naapektuhang hog raisers. 

Nabanggit din ni Dar na inaprubahan na ng Gabinete ang pagsasagawa ng National Task Force on Swine Disease na pamumunuan ng DA. 

Makiki-isa rin ang Department of Finance, Department of the Interior and Local Government, at ang Department of National Defense upang mapahigpit ang quarantine measures at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang mga probinsya. 

Read more: 

Taiwan implements stern luggage checking to travelers from PH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here