75% ng ipon ng Kapuso actor na si Mikael Daez ang nawalang parang bula nang manakawan ang condo unit na tinitirhan niya noon.

“Wow, that was an experience. That was a growing pain, a very expensive growing pain moment!” ang pag-alala ng asawa ni Megan Young sa nasabing pangyayari.

Sa latest episode ng podcast nina Mikael at Megan, ang #BehindRelationshipGoals, napag-usapan nila ang mga advantage at disadvantage ng pagtira sa condo.

Ayon sa Kapuso couple, maraming factors ang dapat i-consider sa pagpili ng bibilin o rerentahang bahay o condo, tulad ng kalinisan, security at convenience.

Idagdag pa riyan ang klase ng environment at ng mga taong nasa paligid na magiging tahanan mo sa mahabang panahon.

At habang nagdedebate ang mag-asawa tungkol sa security, dito na naikuwento ni Mikael ang naging experience niya noon sa tinirhang condo sa Katipunan kung saan nakasama niya ang kapatid na si Nicky Daez.

Ayon sa Kapuso actor, nabiktima sila noob ng Akyat-Bahay Gang, “In my first condo experience in Katipunan, pinasukan kami. I didn’t know, I wasn’t also aware of security at that time and my inexperience showed.

“This was one of my most painful, one of my first extremely painful events after college,” pagsisimulang kuwento ni Mikael.

“So, we were living on the second floor of the condo, me and my brother. We had just invested in some production equipment which was very expensive. So we were renting it out, ‘yun ‘yung parang side hustle namin,” lahad pa ng aktor.

Aminado rin siya na kasalanan niya ang nangyari, “It was my fault and I’m sorry Nicky, it was my fault. I forgot to check the windows because I never ever had to check windows before. It was still my fault.

“I left the condo and when my brother and I got back, all our stuff was missing.

“My Doc Marten shoes which I bought were expensive, especially for me at that time. And then all the camera equipment, also all the expensive stuff except for my computer which was heavy kasi. It was gone.

“We didn’t know what was happening. It didn’t even come to our minds that nanakawan na pala kami.

“Eventually, it hit us after a couple of minutes ‘Oh my God! Ninakawan tayo.’

“As we looked around and opened the window, we saw on the ledge very clear footprints in the mud,” pag-alala pa niya.

Patuloy pang pag-throwback ni Mikael, “It was painful, Nicky cried. I wanted to cry but Nicky cried first already.

“It sucked, grabe ‘yung feeling, ibang klase ‘yung pagka-demoralize sa’yo kasi you’re looking for your independence, it was our first couple of months outside of the house, and we lose an amount that was more than 75% of our savings.

“Sobrang mahal ng investment namin doon and for us to lose all of that. Wow, that was an experience. That was a growing pain, a very expensive growing pain moment,” kuwento pa ng mister ni Megan.

Payo ng celebrity couple, kailangang pag-isipang mabuti ang pagpili ng titirhang bahay at isa sa dapat isaalang-alang ay ang seguridad ng lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here