Moira dela Torre, kasama sa mga nominado sa MTV Europe Music Awards!

1
155
Moira dela Torre, kasama sa mga nominado sa MTV Europe Music Awards!
Kilala ngayon si Moira dela Torre bilang isa sa mga pinakasikat na “hugot” singers sa bansa, dahilan para mapansin siya ng MTV Asia.

Ang Kapamilya singer na si Moira dela Torre ay nakatanggap ng nominasyon mula sa MTV Europe Music Awards. 

Inanunsyo ang magandang balita ng MTV Asia sa kanilang Twitter account kahapon. 

Kilala ngayon ang Cornerstone music artist bilang isa sa mga pinakasikat na gumagawa ng “hugot” songs sa bansa, dahilan para mapansin siya ng MTV Asia.

Nominado si Moira sa kategoryang Best Southeast Asian act

Kasama ng singer-songwriter sa listahan ang iba pang mga kilalang mag-aawit sa Asya — Rich Brian (Indonesia), Yuna (Malaysia), Jasmine Sokko (Singapore), Jannine Weigel (Thailand), at ang sikat na rapper na si Suboi (Vietnam). 

Ang magiging resulta ng online-based poll na ito ay malalaman sa Nobyembre 3 sa awards ceremony na gaganapin sa Spain. 

“NO WAYYY THANK YOU SO MUCH,” hindi makapaniwalang sagot naman ng singer sa ipinadalang balita. 

Natanggap ni Moira ang nominasyon isang buwan malipas ang kanyang matagumpay na “Braver” concert sa Araneta Coliseum upang ilunsad ang kanyang pangalawang album. 

Ang mga huling nanalo sa award na ito ay sina Sarah Geronimo at James Reid. 

Puntahan itong link para iboto at suportahan ang ating Philippine pride. 

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here