Greatest musical influences ni Morissette Amon sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo

Morissette Amon pinasalamatan sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.

0
157
Regine, Sarah, 2 sa 'greatest musical influences' ni Morissette

Nag-post si Morissette Amon sa kanyang Instagram account para pasalamatan ang dalawa sa kanyang pinaka naging inspirasyon sa pagkanta na sina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo.

Inilahad ni Amon na malaki ang bahagi ng dalawang pinaka-sikat na OPM artists sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Kinuha ang litrato pagkatapos ng kanilang napakagandang pagtatanghal sa “ASAP Natin ‘To” kasama ang iba pang mga magagaling na mang-aawit.

Pag-alala ng Kapamilya singer, “I remember watching their concerts before when I was younger in Cebu, and that ignited my passion for singing and performing.

now I am so blessed to be living the dream and getting to share the stage with two of my greatest musical influences, whom I will always have love and respect for.

Tinapos ng Asia’s Phoenix ang kanyang post sa pamamagitan ng pagpapasalamat kay Regine at Sarah sa pagbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga nangangarap tulad niya.

#AladdinPH

Sa kabilang banda, naging matagumpay ang naging duet ni Morissette at Darren Espanto sa “A Whole New World” para sa premiere ng Aladdin sa Pilipinas.

Umani lalo ng napakaraming mga tagasubaybay ang dalawa mula sa loob at labas ng bansa, dahil sa kanilang pagkanta sa theme song ng Disney movie.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here