Teaser ng movie ni Bea Alonzo at Angelica Panganiban ipinakita na!

0
124
_Teaser-ng-movie-ni-Bea-Alonzo-at-Angelica-Panganiban-ipinakita-na!
Bea Alonzo at Angelica Panganiban, bibida sa Unbreakable movie ng Star Cinema.

Inilabas na ng Star Cinema ang teaser ng pelikulang “Unbreakable” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Inilabas kahapon ang teaser kung saan makikita na kasali rin sa cast ang isa pang sikat na aktor na si Richard Gutierrez

Ang pelikula ay tungkol sa dalawang babaeng nakatagpo ng kaibigan sa katauhan ng isa’t-isa —college best friends. Unbreakable dahil hindi nila hahayaang masira ang kanilang samahan kahit pa lalaki ang pumagitna sa relasyon nila. 

“Hindi lalaki ang makakasira sa atin,” linya ni Deena, na karakter ni Angelica. 

“Walang makakasira sa atin,” dagdag ni Mariel, na ginagampanan ni Bea. 

Ngunit, sa huling bahagi ng teaser ay tila may lamat na ang relasyon ng magkaibigan. Makikitang masaya si Mariel (Bea) sa piling ni Richard habang ka-video call si Deena (Angelica) na tila may hapdi sa kanyang mga mata. 

Ano kayang magiging ending ng pelikula? Mananatiling magkaibigan ba o magkakahiwalay na ng landas ang magkaibigan? 

Huling nagkasama ang dalawang bida sa teleserye noong 2006 sa “Maging Sino Ka Man,” sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar na kanila ring direktor sa bagong proyektong ito. 

Nakatakdang ipalabas ang Unbreakable sa November 27. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here