Si Nadine Lustre ang pinakabagong Mobile Legends ambassadress!

0
57
nadine-lustre-mobile-legends-ambassadress
Certified gamer Nadine Lustre, isa nang Mobile Legends ambassadress!

Si Multimedia Princess Nadine Lustre ang pinakabagong ambassadress ng sikat na online game na Mobile Legends. 

Ibinahagi ng aktres sa isang panayam sa PEP.ph ang kanyang tuwa dahil pinili siya ng Mobile Legends upang maging endorser.

“I’m really happy of all the artists na puwede nilang kunin, ako yung kinuha nila,” pahayag niya. 

Bukod pa rito, isa na rin siyang face of the game na pinangalanang Lady Luster

Nabanggit ni Nadine na matagal na itong hindi nakapaglalaro at kamakailan nalang ito bumalik sa paglalaro nang malaman niyang kinuha siya ng Mobile Legends upang maging isang ambassadress. 

“Yung time din kasi, mahirap. E, dati, kapag naglalaro ako sa mga video games, walang tayuan talaga, so mahirap,” aniya. 

Samantala, masaya naman daw ang kanyang nobyong si James Reid sa pagkilala ng laro sa kanya. 

nadine-lustre-mobile-legends-ambassadress
(Image source: Twitter @NaddictsOfc)

Sa kabilang banda, nang tanungin ang aktres kung sino ang gusto niyang makalaban sa laro, binanggit niyang si James, ang kanyang make-up artist, ang kapatid niya, at maging si Myrtle Sarrosa na kanyang malapit na kaibigan. 

“Si Myrtle, mataas na rin. Pero hindi ko pa nakakalaro si Myrtle, e. Pero sige, si Myrtle na lang. Gamer din talaga yun,” pasaring ni Nadine. 

Nang tanungin naman siya sa maipapayo niya sa nakaka-adik na game, ito ang kanyang sinabi:

“I guess, manage your time lang and, as much as possible, set a time rin for, you know, things that you need to do, like studying.”

“Kung sa work naman, kailangan lang ng time management,” dagdag ni Nadine. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here