Nagsalita si Nadine Lustre sa balitang hiwalay na sila ni James Reid

0
94
Nagsalita si Nadine Lustre sa balitang hiwalay na sila ni James Reid
Nagsalita si Nadine Lustre sa balitang hiwalay na sila ni James Reid.

Itinanggi ni Nadine Lustre ang mga bali-balitang hiwalay na sila ng long-time boyfriend niyang si James Reid. 

Sa naging interview ni Nadine sa Tonight with Boy Abunda (TWBA) kahapon, Agosto 5, sinagot na niya ang mga haka-haka ng taumbayan. 

Bakit ba ‘nung hindi pa kami, gustong-gusto n’yo maging kami? Ngayon kami na, gusto n’yo kami paghiwalayin? Ano ba talaga?” sagot ng aktres kay Tito Boy Abunda. 

“Everything is okay. Everything is fine,” dagdag na paliwanag nito. 

Inamin ng aktres na may mga ilan-ilang siyang pinapatulang mga komento tungkol sa relasyon nila ni James. 

Kamakailan lang ay nag-reply pa lamang si Nadine sa isang basher online, na ipinalagay na hiwalay na ang dalawa dahil wala na diumano ang mga trophies ni Nadine sa bahay ni James. 

“Uhm. WTF are u talking about?” ang reply ni Nadine sa comment sa kanyang Instagram post

“But as much as possible, that’s how I want to reply. Either jokingly or something light lang. I don’t want to be rude,” banggit niya kay Tito Boy. 

“Indak o Tadyak”

Naglaro din si Nadine sa TWBA kung saan kinailangan niyang pumili kung sinong gusto niyang makatrabaho sa susunod. Sasabihin niyang Indak kung “oo” at Tadyak kung “hindi”. 

Umoo ang dalaga kina Enrique Gil, Piolo Pascual, at Coco Martin. 

“He’s really a nice guy,” banggit ni Nadine kay Coco. 

Sa kabilang banda, humindi naman siya kay Joshua Garcia, na masyado raw bata para sa kanya. Hindi din ang naging sagot niya para kay Gerald Anderson. Gayun na din kay Daniel Padilla, bilang respeto na rin kay Kathryn Bernardo.  

Tinanong din kasi si Kathryn noon sa kanyang naging interview sa TWBA at sinabing pinili na lang niyang hindi makatrabaho si James para makaiwas sa mga usapin mula sa kani-kanilang fandom. 

“I respect that. Para nga walang gulo. I respect, I respect,” pagsang-ayon ni Nadine. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here