Ano nga bang nakita ng boyfriend ni Karla Estrada sa kanya at niligawan siya nito?

0
82
Ano nga bang nakita ng boyfriend ni Karla Estrada sa kanya at niligawan siya nito
Karla Estrada at Jam Ignacio, na kanyang non-showbiz boyfriend, sa ginanap na surprise birthday party para sa Queen Mother noong November 21.

Tuwang-tuwa ang Kapamilya actress na si Karla Estrada sa pagbisita ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio sa morning talk show nilang “Magandang Buhay” na ipinalabas kahapon, Nov. 27. 

Nakausap ni Jam ang co-hosts ng programa na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros tungkol sa relasyon nila ng Queen Mother. 

Subalit, ito naman ang ikinakaba ni Karla para sa kanyang boyfriend, dahil hindi raw ito sanay sa buhay showbiz. 

“Actually, ninenerbyos ako para sa kanya kasi hindi naman siya sanay. Masaya naman. Bago sa akin ‘to kasi wala naman akong naiharap ‘di ba? First time ‘to, kahit ‘yung mga tatay ng anak ko. Parang nahihiya ako kasi parang kung kailan may apat na ‘kong anak. But you know, sabi nga ni Vice (Ganda), deserve nating lumigaya, sumaya,” paliwanag ni Karla. 

Gayunpaman, inamin ni Jam na nahulog na ito sa aktres kahit noong una pa lamang silang magkita noong June 1. 

“Maganda siya. Nagkakatinginan kasi kami madalas eh,” kwento ni Jam. 

Pagkatapos ay lalo pa raw itong na-in love kay Karla nang madalas na silang magkasama at unti-unting nakikilala ang isa’t isa. 

“Yung nakilala ko na siya mas mabuti. Di naman siya mahirap mahalin eh,” sabi ni Jam. 

View this post on Instagram

Hey you! Beautiful soul 💜

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

The one na nga ba ni Karla si Jam?

Sa kabilang banda, inamin naman ni Karla na mabilis siyang nahulog kay Jam dahil sa matagal-tagal na niyang pagkasawi sa pag-ibig. 

“Actually, ang bilis nang sa akin. Kasi ang tagal ko nang heartbroken. Kaya lang, nagdadalawang-isip ako kasi baka natutuwa lang ako na mayroong ganong tao na nagpapakita ng concern,” pag-amin ni Karla.

“Natutuwa ako sa tapang niya kasi ‘di ba ang lakas ng personality ko, ang tapang kong tao? Pumunta siya sa bahay na hindi niya iniisip na bahay [namin ‘yon], kung sinong nakatira do’n. Three days palang kaming magkakilala, so pumunta siya, nagdala siya ng bulaklak, may coffee,” dagdag na kwento ng aktres. 

Bukod dito, sa kabila ng estado ni Karla bilang artista at bilang nanay din siya ng sikat na aktor na si Daniel Padilla, nanligaw pa rin si Jam dito kung paanong dapat na ligawan ng lalaki ang isang babae. 

“Wala kasi akong naisip na parang superstar siya e. Inaano ko na pareho lang kaming normal na tao. Kung ano ‘yung ginagawa ng isang lalaki sa isang babae, ganon yung ginagawa ko,” pagbahagi ni Jam. 

ALSO READ: Matteo, pinag-ipunan nga ba ang engagement ring para kay Sarah mula pa noong 2014?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here