Matapos maipatupad ang Republic Act (RA) No. 11203 o ang Philippine Rice Tariffication Law, ramdam ngayon ng mga lokal na magsasaka ang pagdurusa.

Kabilang si Gorgonio “Miguel” Ferrer mula sa Pangasinan sa mga nakararaming magsasaka na halos isuko na ang kanilang hanapbuhay dahil P183.96 na lamang ang kinikita nila araw-araw. 

“Kaya bang bumuhay ng isang pamilya ang ganito? Mapapag-aral ang kanyang mga anak? Sinong anak ang gugustuhing magpatuloy na magsaka kapag ganito ang paiiralin ng mga namumuno?” tanong ng anak ni Gorgonio na si Jette Banatao sa kanyang Facebook post.

Posting this on behalf of my 78 year old father, who has been a rice farmer for the past 50 years in Pangasinan. He is a…

Posted by Jette Banatao on Wednesday, September 4, 2019

Sa pagsunod sa batas, maaring maibenta ang kanilang inaaning palay mula pito hanggang dalawampung piso bawat kilo. 

Ang layunin ng batas na ito na masigurado ang food security, mapalabong ang sektor ng agrikultura, maging globally competitive ang industriya, at gawing pirmi ang presyo ng mga bilihin at ang inflation. 

Ngunit ayon kay Jaime Tadeo ng Paragos-Pilipinas, ang batas ay naging “engine killer of the economy” dahil karamihan sa mga pampublikong pamilihan ng mga munisipalidad ay naka depende ang kabuhayan sa palay. 

Ayon sa batas, maaari ring mag angkat ng bigas. Ang pagdagsa ng murang angkat na bigas na ito ay nagbabanta sa mga Pilipinong magsasaka. 

Suportahan ang mga Pilipinong magsasaka ng palay 

Nang dahil sa iyak ng mga Pilipinong magsasaka, iba-ibang tao at organisasyon ang tumutulong ngayon sa mga magsasaka para maibenta ang kanilang aning bigas. 

Ang mga grupong sumusuporta sa mga magsasaka ay gumawa ng ingay sa social media gamit ang #JunkRiceLiberalization, #DefendPHAgri, #SupportFilipinoFarmers para isigaw ang pagkontra sa ipinatupad na batas. 

Heto ang ilan sa mga maari mong gawin para makatulong: 

1. Himukin ang mga lokal na yunit ng gobyerno na bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka 

Ang dating National Food Authority (NFA) chief na si Renan Dalisay ay iminungkahi na isa ito sa mga pwedeng gawin para makatulong sa ating mga kababayang magsasaka. 

Ayon kay Dalisay, maaaring bumili sa mga magsasaka ng isang kilong bigas sa halagang P20 at ibenta ito sa kanilang lokal na pamilihan ng P40. Ang gawaing ito’y matutulungan ang mga magsasakang Pilipino na magkaroon ng sapat at matatag na kita. 

2. Bumili ng lokal na bigas sa halip na imported 

Bilang pagtulong at suporta sa ating mga magsasaka, ang maaaring gawin ay bumili ng lokal na bigas kaysa bumili ng angkat na mga bigas. 

Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga magsasaka na magtanim pa ng kanilang bigas dahil malakas ang demand sa kanilang kapwa Pilipino. 

Kung bigo man, ang pagtangkilik sa mga imported na bigas na ito ay siyang patunay ng tuluyang pagkasira ng lipunan sa Pilipinas. 

3. Magtayo ng isang tindahan para sa mga magsasaka 

Sa pagtayo ng isang pamilihan, kung saan maaaring dalhin lahat ang aning bigas ng ating mga Pilipinong magsasaka, ay magiging madali ang kanilang pang araw-araw na kita. 

Isa ang Session Groceries sa mga nagsasagawa ng mga kaganapan sa buong bansa para makagawa ng mga iba’t-ibang pamilihan para sa mga magsasaka — sa online man o sa mga aktwal na tindahan. Naging tulay sila sa pag-abot ng mga posibleng consumer ng mga tindang palay ng mga Pilipinong magsasaka. 

4. Maging boluntaryo sa mga organisasyon 

Sumali sa mga outreach program o sa mga aktibidad na nagsusulong na mapabuti ang kalagayan ng mga lokal na magsasaka.  Ang Session Groceries ay kasulukuyan ring naghahanap ng mga volunteers sa pamamagitan ng pagsali sa kanilang Facebook group na Helping Local Farmers o mag-mensahe sa kanilang Facebook page para sa tulong na nais ninyong ipaabot. 

5. Alukin ang mga malalaking kumpanya na bilhin ang mga lokal na bigas

Ayon sa Philippine Rice Research Institute, maaaring sabihan ang mga malalaking kumpanya at mga ibang restawran na kumuha na lamang ng lokal na supplier ng kanilang kanin. 

Sa gayon ay mapanatili nating matatag ang kabuhayan at pamumuhay ng ating mga magsasakang Pilipino. 

6. Ikalat ang impormasyon tungkol sa ating mga magsasaka 

Ipinaliwanag din ni Iloisa Romaraog Diga, kasosyo ng Session Groceries, na maaring ipalaganap ang kamalayan sa mga tao sa pamamagitan ng pag-share ng mga impormasyon sa social media at pagbukas ng usapin sa sari-sariling komunidad. 

Bukod sa Session Groceries, umaaksyon na rin ang UNESCO Club-UPLB sa pagtulong sa mga magsasaka sa Isabela. 

Ikaw, ano ang kaya mong gawin para makatulong sa ating mga kapwa Pilipinong magsasaka? 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here