Alamin kung paano ba talaga nabuo ang tambalang Maine-Carlo

0
164
paano-nabuo-ang-tambalang-maine-carlo
Star of 'Isa Pa With Feelings', Maine Mendoza and Carlo Aquino

Ibinahagi ng produksyon ng ‘Isa Pa With Feelings’ sa Philstar ang kwento kung paano nabuo ang tambalan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.

Nang ianunsyo ang noong Hunyo ang pagsasama nina Maine at Carlo sa pelikulang ‘Isa Pa With Feelings,’ ng Black Sheep, maraming ang nagtaka at kumwestyon hindi lang sa pagpapares sa dalawa, pati na rin sa timing nito. 

Ilan sa mga maiinit na tanong ng mga netizens ay, kung ito ba ang ay pantapat sa pelikulang pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Goodbye’ (HLG), na unang naanunsyo at sa katunayan ay kasalukuyang highest grossing film ng Pilipinas.

Bakit nga ba ang Black Sheep, pinakabagong brand ng mga pelikula ng ABS-CBN, at hindi ang “flagship brand” na Star Cinema ang bumuo nito?

View this post on Instagram

Isa pa with feelings ? @black_sheepph

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Paano ba nabuo ang Maine-Carlo tandem, na nagmula sa magkaibang networks at parehong nakilala sa kanilang mga love teams?

Ngunit ang tila kakaibang pagpapares sa dalawa sa ‘Isa Pa With Feelings’ ay nag-umpisa lamang sa simpleng ideya. 

Ang Black Sheep ay isang sangay ng Star Cinema na pangunahing target ay ang mga millennial. Ito ang bumuo ng pelikula sa kadahilanang dito nagmula ang konsepto sa katauhan Direk Prime Cruz, ayon kay Kriz Gazmen na head ng Black Sheep. 

“Since Black Sheep started, it’s very director-driven. It’s really our vision for Black Sheep because we want to give parang voices to new directors,” pahayag nito. 

“When we started Black Sheep, we started talking to our director-friends na finally this is your chance to make your dream projects. We talked to Prime and asked him, what is your dream project and we will co-produce it. Ito yung nilapit niya sa amin,” dagdag ni Gazmen. 

Orihinal na kwento ng ‘Isa Pa With Feelings’

Sa pelikula, ginampanan ni Maine ang karakter na si Mara na ang pangarap ang maging arkitekto, ngunit hindi niya naipasa ang board exams. Nakilala niya si Gali, karakter naman ni Carlo, na isang deaf sign language teacher at isang mahusay na mananayaw. 

Subalit ayon sa mga producers, hindi raw ito ang orihinal na istorya. Sa unang bersyon nito ay si Mara ang bingi at si Gali naman ang nakakarinig. 

“Originally nga, baliktad siya. Yung girl talaga yung deaf, yung lalaki yung hearing. That was the original concept,” sabi ni Gazmen. 

Ibinahagi niya na maraming beses binago ang kwento at naisip nila na hindi ito magiging epektibo kung babae ang bingi. 

View this post on Instagram

#IPWF ? by @joshenvahnlee

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

“Babae kasi generally ang market natin, especially with love stories, so (the female audience) would want to hear what a woman is going through, what her feelings are for the guy. If you take out the faculty of language, it’s going to be difficult,” paliwanag niya. 

“Generally, men are quiet and mysterious so mas okey pagbaliktarin. But we always knew that if we made the female character the hearing one, we had to have somebody who is so charming, so cute,” dagdad nito.

Pagkatapos ay nabanggit si Carlo ng isa sa mga sumulat ng screenplay na  ni Kookai Labayen kasama si Jenilee Chuaunsu. 

“We really got so excited with the idea of Maine but it was a long process, a lot of back and forth with APT (Maine’s management),” lahad ni Gazmen. 

Pagkukumapara sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Kaya ayon sa Black Sheep head, “unfair” daw na naikukumpara ang ‘Isa Pa With Feelings’ sa HLG dahil bago pa mag-finalize ang Alden-Kathryn tandem, naiisip na nilang kunin bilang bida si Maine. 

“Maayos na talaga communication namin. So, when the Alden movie came out, it was so unfair that they were being compared na ‘pansagot niyo ba ‘to or something?’ because even before that, inaayos na talaga namin yung movie with Maine,” sabi ni Gazmen. 

Nabanggit rin ni Labayen na naunang i-cast si Maine kesa kay Carlo. 

“We really thought of Maine first before casting Carlo in his role,” aniya. 

Ngunit dagdag nito, si Carlo, na gumanap na rin sa isang Black Sheep film na Exes Baggage, lamang ang una at tanging napili nila. 

“We couldn’t think of any actor who can deliver the requirements of the role aside from Carlo. Si Carlo kasi, kaya niya yung mata-mata acting talaga. Also personal bias, he’s our favorite at Black Sheep,” ibinunyag ni Gazmen. 

Sa kabilang banda, tinanggap naman ni Gazmen na talagang surpresa ang pagpapareho nila kina Maine at Carlo. 

“Of course, it felt like it came out of nowhere. Pusta-pusta nalang talaga,” pahayag nito. 

Samantala, mapapanuod na ngayon ang ‘Isa Pa With Feelings’ sa mahigit na 275 na sinehan sa buong bansa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here