Paano nga ba naging datu si Baron Geisler?

0
49
Paano nga ba naging datu si Baron Geisler
Pinarangalan ng Sulu royal family si Baron Geisler kahapon sa Quezon City.

Naganap ang seremonya ng pagbibigay ng honorary title ng pagka-datu kay Baron Geisler kahapon, Setyembre 10, sa siyudad ng Quezon. 

Ang parangal ay nanggaling sa kahalili at tagapagmana ng kaharian ng Sultanato ng Sulu at ng North Borneo, na sina Haring Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Reyna Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak. 

Naging inspirasyon sa Sulu royal family ang pagbabalik loob ni Baron Geisler sa kabutihan at sa kanyang pagpapatotoo ng kakayanang magbago ng isang tao.  

Tiwala din ang royal couple sa kapasidad ng aktor na maging isang inspirational role model for the youth and ambassador for peace, dahil sa naging pagbabago nito sa kanyang espiritwal na paniniwala. 

Noong nakaraang linggo, napabalita na papasok ulit ang aktor sa rehab para ipagamot ang pagkalulong nya sa pag-inom ng alak. Ngunit napabalita rin na patuloy itong magtatrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN kasama si Coco Martin kahit na ito’y pumasok sa pagamutan.

Sino si Baron Geisler? 

Dating naging laman ng mga balita ang child actor na ito dahil sa kanyang mga kinasangkutang kabi-kabilang away na dulot ng kanyang pagkahumaling sa mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paggamit ng bawal na gamot. 

Nagsimula ang kanyang career nang napabilang sa youth-oriented show na Ang TV noong 90s at patuloy na naging teen idol nang magbida ito sa drama series na Tabing Ilog kasama sina Kaye Abad Castillo, Jodi Sta. Maria, at John Lloyd Cruz

Mula noon ay naging kilala itong bilang isang magaling na bida-kontrabida sa mga palabas at nakatanggap ng mga iba’t-ibang parangal mula sa 4th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2008 at PMPC Star Awards noong 2005. 

Gayunpaman, naging matunog sa headlines ang pangalan ng aktor dahil sa kanyang pag-harass sa mga ibang kilalang aktres, tulad ng anak ni Yayo Aguila na si Patricia Martinez, Yasmien Kurdi, Julia Clarete, at Cherry Pie Picache. 

Nasangkot din ito sa away laban sa kanyang fellow actors na sina Kiko Matos at Ping Medina, 2 beses na panggugulo sa Quezon City at pagbigay ng mga death threats sa kanyang kapatid na nasa Angeles City, Pampanga. 

Ngunit matapos ang lahat ng mga gulong kinasangkutan ni Baron, noong isang taon ay binalita ito na sumasali na siya sa mga religious organizations tulad ng Maranatha Christian Fellowship sa Cebu. 

Engaged na din ito sa isang pyschologist na si Jamie Evangelista mula Cebu. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here