Miles Ocampo, dumipensa kay Sharlene San Pedro laban sa akusasyon ng pambubully

0
158
pagdepensa-ni-miles-sa-kaibigang-si-sharlene
Miles Ocampo, dinepensahan ang 'beshie' na si Sharlene San Pedro sa ibinabatong isyu sa kanya.

Kilalang mag-best friends ang dating Goin’ Bulilit stars na sina Miles Ocampo at Sharlene San Pedro. At bilang matalik na magkaibigan, laging ipinapakita ng dalawa kung paano nila suportahan ang bawat isa sa anumang pangyayari sa buhay nila.

Sa ibinabatong isyu kay Sharlene kamakailan tungkol sa pambubully, dinepensahan ni Miles ang kanyang itinuturing na beshie. 

Kahapon ay nakapanayam ng ABS-CBN News ang aktres, kung saan sinabi nitong ipinagmamalaki niya si Sharlene dahil sa kabutihan nito.

View this post on Instagram

Beshies X @freshlookph X @airoptixph 🖤

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo) on

“Ang bilis naman po kasi magbitaw ng salita. Basta ako po kilala ko po si Sharlene, kilala ko po ang beshie ko at proud ako sa kanya kasi alam kong napakabuting tao niya,” pahayag niya. 

Samantala, nang tanungin siya sa kanyang reaksyon ukol sa akusasyon ni Alexa Ilacad kay Sharlene, ito ang naging sagot niya: 

“Wala akong masasabi diyan. Sabi ko nga po kanina, napakaliit ng industriya natin, magkakasalubong at magkakasalubong tayo at mahirap na mayroon tayong sinasabi na against sa isa’t isa na hindi rin natin alam kung totoo ba o hindi.”

“Kapag ganun, wala na lang pong comment kasi ang liit lang po ng industriya natin,” dagdag ni Miles. 

View this post on Instagram

happy happy birthday, beshie. I love you.

A post shared by Sharlene San Pedro (@sharlenesanpedro1) on

Noong isang araw ay nagsalita na rin si Sharlene tungkol sa isyu, kung saan sinabi nitong hindi niya magagawang mambully dahil naranasan ito ng kanyang kuya. 

Nagsimula ang kontrobersyang ito nang sagutin ni Alexa ang mga tanong sa ‘panlalalaki’ niya di-umano noong karelasyon pa niya si Nash Aguas. Kasabay nito ay nabanggit niyang bahagi raw si Sharlene sa pagpapaniwala na niloko niya si Nash

“I was so surprised na I woke up one day using my Twitter and I saw na they were teaming up against me,”

Ibinagi rin nito na hindi lang si Sharlene ang kasali sa pambubully sa kanya, pati na rin ang iba pang Goin’ Bulilit stars. 

“Yung mga iba ‘don alam ko naman na Goin’ Bulilit pa lang, binubully na ako,” dagdag ng aktres,” dagdag nito. 

Sa kabilang banda, merong kahilingan ang Goin Bulilit co-star nilang si John Manalo, na ipinost niya sa kanyang Twitter account. 

“Bulilit friends, bati bati na tayo,” sabi nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here