‘We are more than friends,’ pagkumpirma ni Derek sa relasyon nila ni Andrea

0
73
pagkumpirma-ni-Derek-sa-relasyon-nila-ni-Andrea-
Real-life couple na ang bida ng Kapuso teleserye na The Better Woman na sina Andrea Torres at Derek Ramsay!

Inamin na nang ngayong Kapuso star na si Derek Ramsay na “more than friends” na ang estado ng relasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Andrea Torres. 

“We are more than friends. We’re at that stage na we both have feelings for each other. It’s not just both physically attracted, it’s deeper than that in the sense that she has met my parents, I’ve met her parents, our parents have met,” pagbahagi ni Derek sa PEP. 

Nabanggit din ng aktor na aprubado ng kanyang mga magulang ang kanyang leading lady.. 

“My mom’s exact words were ‘yan ang babaeng may breeding,” ani Derek. 

Hindi raw inaasahan ng aktor na magiging mas malalim pa ang magiging relasyon nila Andrea. 

“Yung connection naman namin was, even before, extra. The things you’re talking about, wala naman kaming alam na magiging ganito ka-close kami.”

Ayon pa sa aktor ay hindi naging mahirap ang mas pagkakakilanlan nila sa tunay na buhay ng kanyang on-screen partner

“Usually, pinag-iisipan mo ‘yan. It just flows naturally. We both enjoy being with each other, whether it’s at work,” pahayag ng hunk actor.

The Better Woman 

Lumalabas ang dalawa sa programa ng GMA network na The Better Woman kung saan sila ang mga bidang aktor. 

Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Andrea na pinapanatili nyang pribado ang kanyang personal na buhay, ngunit ngayo’y napaamin ang aktres na masayang-masaya siya. 

Parang ngayon lang din naman ako naging vocal. Ngayon din lang ako nagpo-post nang hindi family or work, sarili ko, kaya siguro halatang-halata.” 

Banggit din niya’y si Derek ang pinakamalapit na lalaki sa kanyang buhay ngayon. 

Kinwento din ni Derek sa PEP na naging mas malapit sila sa naging shooting ng summer station ID ng GMA. 

“When we first met, we already had a connection during the station ID of GMA. We just connected, we were just talking about being actors, we did not see that we had a connection kami, and then something formed.”

Bago si Andrea, si Joanne Villablanca na isang model ang kasintahan ni Derek ng anim na taon, na nagtapos lamang nitong Hunyo.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here