Pinoy Pride: SEA Games gold medalist nais magtayo ng sariling bike shop

0
108
Pinoy Pride SEA Games gold medalist nais magtayo ng sariling bike shop
John Chicano bagged the first ever gold medal for the Philippines in the 30th SEA Games triathlon competition.

Nakamit ng dating janitor na si John “Rambo” Chicano ang gintong medalya sa triathlon competition ng 30th Southeast Asian (SEA) Games, na magsisilbing susi para sa pinapangarap nitong sariling bike shop. 

Kung dati ay basahan ang hinahawakan ni Chicano, ngayo’y gintong medalya na, na siyang sagot din sa isa pa niyang pangarap. 

Sa patuloy na pamamayagpag ng Pinoy pride, ang magkaroon ng negosyo na gaya ng lugar kung saan ito nagsimula bago maging isang matagumpay na triathlete ang nais niyang tuparin. 

Ibinahagi ng atleta na bago siya naging triathlete ay taga-linis siya ng mga bisikleta na pagmamay-ari ng kanyang coach. Cyclist pa lamang siya noon at wala pang interes sa triathlon. 

Ang kanya raw ama ang kakilala ng manager ng bike shop na kanyang pinapasukan noong 2009. Ayon sa kanya, hindi nito tinanggihan ang trabaho dahil malapit nang manganak noon ang kanyang asawa. 

“Sabi niya ipapasok niya ko as helper, janitor para kumita kasi magkakaroon ako ng baby noon who is my 10-year-old daughter ngayon,” lahad ni Chicano.  

Sahod niya noon ay P300 kada araw. Sa kabilang banda, dahil sa pagmamahal nito sa cycling, hindi ito huminto sa pag-eensayo kahit na siya’y nagtatrabaho na noon.  

“‘Yung nag-aayos ng schedule ko doon yung coach ko kasi alam naman niya oras ng pasok ko, so alam niya rin yung tapos ng training ko,” pag-amin ni Chicano. 

Ngayon, marami-rami na ang mga nasalihan at napanaluhang paligsahan nito, kaya’t mayroon na raw siyang sapat na kita para suportahan ang kaniyang pamilya ngayon. 

Payo ni Rambo

Samantala, may payo naman ang kampeon sa mga nagsisimula pa lamang sa kani-kanilang mga pangarap na larangan. 

“Sa mga nagsisimula pa lang, keep doing what you love kasi kung ano yung mahal mo doon ka mag-eexcel.”

Dagdag pa ni Chicano na huwag panghinaan ng loob at dali-daling sumuko dahil iniisip na hindi kaya.

Ayon sa kanya, maski siya ay lumaki na hindi marunong lumangoy at nag-aral lamang noong siya’y 18 taong gulang sa loob ng tatlong buwan. 

READ: PH floorball teams take first 2 wins of Philippines in SEAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here