Karamihan sa mga Pilipino, sang-ayon sa ‘War on Drugs’ ni Duterte

0
73
Karamihan-sa-mga-Pilipino,-sang-ayon-sa-War-on-Drugs-ni-Duterte
Walo sa 10 mga nakatatandang Pilipino ay nasiyahan sa ‘War on Drugs’ ni Presidente Rodrigo Duterte

Walo sa 10 mga nakatatandang Pilipino ay nasiyahan sa ‘War on Drugs’ ni Presidente Rodrigo Duterte, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS). 

Isinagawa ang poll mula Hunyo 22 hanggang 26, kung saan ang 82% ng mga Pilipino ay sang-ayon at panatag sa ginagawang operasyon sa pagtuligsa sa bawal ng droga sa bansa, at 12% ang hindi nasiyahan, dahilan para maging +70 o “excellent” ang net satisfaction score ng survey. 

Samantala, ang mga naiwan sa anim na porsyento ay hindi matukoy ang kanilang palagay sa paksa. 

Ayon sa SWS, ang net satisfaction rating nitong ginawang survey noong Hunyo ay katulad ng naging “excellent” na resulta noong Marso ngayong taon. 

Pinakamarami sa 82% ay mga taga Mindanao, kung saan din nanggaling ang Presidente, na may “excellent” na rating o +84, kasunod ang balanseng resulta mula sa Luzon na may +69, +64 sa Metro Manila, at +60 sa Visayas. 

Ayon sa SWS, simula nang umpisahan nila ang survey na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga-Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa, maliban sa “very good” o +66 noong Hunyo 2017. 

Subalit, ang resulta mula Luzon ngayon ay tumaas ng pitong puntos mula sa +62 noong Marso 2019, na parehong “very good” naman ang rating. 

Samantala, sa Metro Manila ay bumaba ang marka nila sa adbokasiya mula “excellent” o +72 noong Marso sa “very good” o +64 na lamang sa kamakailang survey. 

Nanatiling “very good”  naman ito sa Visayas kahit na bumaba nang siyam na puntos ang kanilang +69 noong Marso. 

Pagbaba ng kaso ng krimen at pag-aresto sa mga suspek 

pilipino-sang-ayon-sa-war-on-drugs-1


Sa nakalipas na 11 survey ng SWS, ang net satisfaction ng kampanya ay pumapasok madalas sa “very good” (+50 hanggang +69) o “excellent” (+70 at pataas). 

Samantalang ang pinakamataas na rating ay mula noong Disyembre 2016 na +77. 

Dahil sa napapansing pagbawas ng mga suspek ang nananatiling rason ng mga Pilipino — 42% sa Mindanao, 41% sa Luzon, 38% Metro Manila, at 37% sa Visayas. 

Ang pangalawang karaniwan na dahilan ay matagumpay na pag-aresto sa mga suspek — 21% sa Luzon, gayon na din sa Visayas — samantalang sa Mindanao ay ang pagkabawas ng krimen sa bansa. 

Sa Metro Manila naman ay ang pag-aresto ng mga drug suspect at pagkabawas ng krimen, na parehong may 14%, ang pangalawang dahilan sa pagsang-ayon sa War on Drugs ni Duterte. 

Sa kabilang banda, ang paglaganap din naman ng drug trade o mga drug suspects ang pinaka dahilan kung bakit hindi nasiyahan ang ilan sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga. 

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa mga may edad 18 at pataas sa buong bansa. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here