‘Barong Bomber Jacket’, modernong disenyo ng Barong Tagalog

Barong Bomber Jacket, ang modernong disenyo ng ating Barong Tagalog!

0
139
'Barong Bomber Jacket', Gawa ng Pinay Fashion Designer

Modernong Barong Tagalog, iyan ang gawa ng Pinay fashion designer na si Happy Andrada na kanyang idinesenyo para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong taon, ang Barong Bomber Jacket.

Ang tradisyonal na Barong Tagalog ay kaniyang ginawang makabagong Barong Bomber Jacket. Ito ay gawa sa mga local fabric na abaka, piña silk, at maging water lily.

Ibinahagi ni Andrada ang kanyang gawa sa kanyang Instragram account at sinabing mabibili ang mga ito sa Othello Bonifacio Highstreet Mall.

Inspirasyon ng Pinay

Ibinahagi ni Happy sa CNN Philippines ang kanyang naging inspirasyon sa bago niyang koleksyon.

“I just want like a modern Barong they can wear for like everyday or different events, and you feel really like stylish and really proud to be Filipino wearing it, and it’s like comfy,” she said.

Ayon sa Pinay designer, pwede mo ding ternuhan ang Barong Bomber Jacket ng mga damit tulad ng trousers, skirts, at dresses. Maari mo ring isuot ang Pinay-designed jacket sa anumang okasyon na gusto mong puntahan.

Ang mga gawa ng Pinay designer ay pawang mga organic, eco-friendly, at light-wearing na paniguradong magugustuhang suotin ng sinumang Pilipino sa kahit na anong okasyon. Lalo na ngayong parating na ang tag-ulan, maaari itong isuot sa mga araw na malalamig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here