Rapists ng Chiong Sisters, ilan sa mga bilanggong pinalaya kamakailan ng BuCor

0
98
Galing sa mga prominenteng pamilya sa Cebu ang mga suspek sa pagkamatay ng Chiong sisters. Ito ay sina Paco Larañaga, Jozman Aznar, Rowen Wesley Adlawan, Alberto Allan “Pahak” Cano, Ariel Balansag, at magkapatid na James Andrew “MM” at James Anthony Uy.

Kasama ang “Chiong Seven,” na gumahasa at pumatay sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997, sa mga pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor), ayon kay Sen. Panfilo Lacson noong Biyernes. 

“Na-release na rin yan pero ang nakapirma roon iba. Hindi mismong si Nicanor Faeldon [BuCor chief] ang nakapirma. Ang balita ko, a certain Marquez ang nagpirma roon. Pero ang may authority magpirma ng release order ay ang director ng BuCor,” kwento ni Lacson sa naging panayam sa kanya sa radyo ng DZBB. 

“Ngayon kung sino man ang pipirma na underling, subaltern or sinumang assistant doon, ang ultimate responsibility pa rin, ang director. So yan dapat natin malaman kasi ang balita sa Chiong sisters, ang respondents doon, hindi mismo ang director nakapirma kundi pinapirma sa iba,” dagdag ng senador.

Chiong Sisters 

Ang magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong ay di umanong dinukot, ginahasa, at pagkatapos ay pinatay sa lungsod ng Cebu noong 1997. 

Ngunit ayon sa mga awtoridad, tanging ang mga labi lamang ni Marijoy ang natagpuan habang si Jacqueline ay pinaniniwalaang nawawala hanggang ngayon. 

Misteryoso ang naging krimen sa magkapatid na Chiong na hanggang ngayon ay malaking tanong pa din sa mga tao ang pagkakadawit ng ilan sa mga suspek, lalo na ni Paco. 

Kamakailan ay dumagdag pa ang pagkalat ng mga balita na buhay ang magkapatid na Chiong at namumuhay nang payapa sa Canada kasama ang kani-kanilang pamilya.

Lumaban ang pitong suspek, na kung tawagin ay  “Chiong Seven” noon lalo na si Franciso Juan “Paco” Larañaga na malakas ang pahayag na wala siyang ginawa sa mga binibintang sa kanila. 

Galing sa mga prominenteng pamilya sa Cebu ang mga suspek sa pagkamatay ng Chiong sisters. Ito ay sina Paco Larañaga, Jozman Aznar, Rowen Wesley Adlawan, Alberto Allan “Pahak” Cano, Ariel Balansag, at magkapatid na James Andrew “MM” at James Anthony Uy.

Si Paco, na apo sa tuhod ni Sergio Osmeña Sr., ang hinihinalang mastermind ng krimen — na mahigit dalawang dekada nang nakakulong. 

Pagpapalaya sa mga malalaking tao 

Noong Huwebes ay isinapubliko nga ni Lacson, kaakibat ng balitang pagpapalaya kay Antonio Sanchez, na may apat din na Tsinong drug traffickers ang pinalaya noong Hunyo mula sa New Bilibid Prison (NBP). 

Ang balitang paglaya dapat ni Sanchez ay ayon sa Republic Act 10952 o ang Good Conduct Time Allowance Law. 

Ang sigaw ng sambayanang Pilipino na huwag palayain ang dating mayor na rapist at mamamatay tao ang naging daan ngayon ng gobyerno para pag-aralang muli at baguhin ang batas na ito. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here