Ricky Reyes: ‘Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger’

0
85
mother-ricky-reyes-nagsalita-tungkol-sa-lgbt-community

Nagbigay ng opinyon ang celebrity hairstylist na si Ricky Reyes, na itinuturing na isang gay icon, tungkol sa mga bagay na ipinaglalaban ng members ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill.

Napagalaman sa kanyang interview, na uploaded sa Youtube account ng isang Timmy Basil, noong Setyembre 8, Lunes, ang alok sa kanyang magrepresenta ng LGBT community kay Presidente Rodrigo Duterte. 

“What for? Para ano? Ilang presidente na ang natulungan ko, pang anim na si Presidente Duterte, bakit kailangan ko pang mag-LGBT?” 

Nais ni mader Ricky na tigilan na lang ang ginagawang pag-aalsa ng mga bakla. 

“Ako this year, lahat ng LGBT, nilikom ko sila lahat, sabi ko tigilan na ‘yang kabaklaan. ‘Wag na kayong magbistida… kasi lalo lang tayo pagtatawanan ng tao, okay?”

Ang panawagan niya ay ibaling na lamang ang pansin sa pagtulong sa kapwa.

Dagdag pa nito na huwag nang ipagsabi sa madla ang ginagawang pang-aapi sa kanila at panatilihing sa komunidad na lamang nilang mga bakla iyon.

“Ang api ng bakla, ang api ng bakla dapat sa ’tin lang ‘yan. ‘Wag nating ipangalandakan sa tao, ba’t kailangan pa sabihin sa madlang people na, ‘Uy intindihin mo nga ako, bakla ako.’ Teka muna.”

CR para sa LGBT members 

Tinanong din si Reyes kung suportado ba sya sa mga karapatang pinaglalaban ng LGBT community sa SOGIE Bill. 

Kasunod nito ang naging insidente ng isang transwoman na si Gretchen Custodio Diez noong Agosto sa isang pambabaeng CR sa Farmers Plaza sa Quezon City. 

“Kung ikaw ay may nota sa lalake ka, pag may kipay ka sa babae ka,” sagot ni mader Ricky.

“Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading, pero lumugar tayo sa tamang lugar… Let it be na lang. Basta ang bakla ay bakla. Ang bakla maski anong gawin niyo, isulat niyo ‘yan, ang bakla ay bakla. Ang bakla, gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger,” dagdag ni Reyes. 

Hindi rin naniniwala ang celebrity hairstylist sa same-sex marriage na nais ng LGBT members. Dagdag pa nito, ang kasal ay para lamang sa mga babae at lalaki.

“Ang kasal ay para lamang sa lalake at sa babae. Merong kasabihan sa Catholicism na sacrilege, pambabastos sa relihiyon. ‘Wag na. Ang pagpapakasal ibigay natin sa babae at sa lalake ‘yan, ‘di ba, kung gusto niyo ng union, e ‘di mag-union kayo.”

Ginawang halimbawa pa ng gay icon ang kanyang matagal ng relasyon na umabot na ng 40 taon. 

“Bakit ako, I’m in a relationship for 40 plus years, pero we don’t go out of our way to say, ‘Kailangan namin magpakasal,’ no more.”

Dagdag pa niya’y nagugulo na lamang ang mundo sa mga ganyang usapin. 

“May kasabihan tayo, ‘you never never rock the boat if it’s not broken,’ pag maayos siya, go lang. Ba’t kailangan ipagsaksakan kung hindi naman magulo? Pinagugulo mo lang ang mundo.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here