Anu-ano nga ba ang sakop at benepisyo ng PWD ID?

0
85
sakop-at-mga-benepisyong-hatid-ng-pwd-id

Alamin ang mga benepisyong hatid ng person with disability (PWD) ID. Kung wala ka pa, maaaring mag-apply ng card para sa magagandang pakinabang nito.

Ayon sa executive director ng National Council for Disability Affairs (NCDA) na si Mateo Lee, kakailanganin ang mga sumusunod upang makakuha ng PWD ID: 

  •  Sertipikasyon mula doktor na nagpapatunay na may disability ang pasyente
  •  Barangay clearance
  •  ID picture
  •  Government-issued ID

“Ang doktor ay nagse-certify, at iyon [certificate] ay hinihingi ng mga local social welfare development office bago kumuha ng ID,” pahayag ni Lee sa DZMM noong Setyembre 18. 

Sakop ng PWD

Ibinahagi rin ni Lee ang mga uri ng disability na nahahati sa apat.

Una ay ang physical disability. Ang mga taong may ganitong mga kapansanan ay iyong mga gumagamit ng aparato upang makatulong sa pagpantay ng buto ng katawan. Kasama na rin ngayon dito ang mga cancer survivors at cancer patients.  

Ikalawa naman ay iyong mga may sensory disability tulad ng pagkapipi, pagkabulag, at maging iyong may matinding pagkalabo ng mata.

Bukod dito, kasama rin sa mga PWD ang mga may psychosocial disability o mga may behavioral problems na nakakaapekto sa kung paano nila pakitunguhan ang ibang tao. Sakop nito ang mga taong may bipolar disorder, depresyon, at post traumatic stress disorder. 

Kahuli-hulihan, pinapayagan ring kumuha ng PWD ID ang mga may intellectual disability. Kasama rito ang may kapansanan na nakakaapekto sa pag-iisip ng isang tao tulad ng autism at attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).

Benepisyo ng PWD ID

Sa pagkakaroon ng PWD ID, magiging VAT-free ang babayaran ng mga PWDs sa mga kainan at maging recreation venues tulad ng concerts, na makakaltasan rin ng 20%.

Samantala, liban sa VAT-free, 5% naman ang mababawas sa grocery items kapag meron ka nito. 

Ayon kay Lee, hindi naman sa mga establisimyento kundi sa gobyerno kinakaltas ang discount na napupunta sa mga PWDs. 

“It’s the government that shares the burden,” ani Lee.  

Sa kabilang banda, nanawagan din siya sa publiko na respetuhin ang PWDs kahit ano pa man ang itsura ito. 

“Sa isang banda maaaring may error (ang nagbigay) pero ang katotohanan, hindi lang natin nauunawaan kung bakit nabigyan siya ng ID,” aniya. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here