Sarah G at Matteo, engaged na!

0
119
sarah-matteo-engagement
AshMatt, engaged na!

Sa wakas! Engaged na ang long-time celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Kahapon ay nag-post si Matteo sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Sarah, kung saan ang caption ay:

“I love you my love,”

Sa mga larawan makikita na may suot si Sarah ng isang magarang diamond ring. 

Habang hindi diretsahang inilahad ni Matteo na magpapakasal na sila, kinumpirma naman ng kanyang kapatid na si Paolo na magiging opisyal na bahagi na nga si Sarah ng kanilang pamilya. 

Binati ni Paolo sa ang dalawa sa kanyang Instagram post at stories.

“Nobody found out. It was a secret,” aniya. 

View this post on Instagram

Congrats 💍 @matteog @justsarahgph 💍

A post shared by Paolo Guidicelli (@pguidicelli) on

Ilang minuto naman matapos itong ibahagi ng aktor, maraming mga kaibigan at fans ang bumati sa kanila.

Kasama sa mga nagbahagi na tuwa para sa dalawa ay mga kaibigan at katrabaho nila sa industriya na sina Billy Crawford, Ogie Alcasid, Anne Curtis, Alex Gonzaga, Juris 

Fernandez, Nikki Gil, Vice Ganda, Erik Santos, Jaya, Moira Dela Torre at marami pang iba. 

Unang kinumpirma nina Matteo at Sarah ang kanilang relasyon noong 2014, kung kailan mag-iisang taon na silang magkasintahan. 

Noong Setyembre naman ay naiulat na nagdiwang sila ng kanilang ika-anim na anibersary sa ibang bansa.

Sa ngayon ay wala pang sinasabing petsa kung kailan gaganapin nag kasal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here