Bago lumakad ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang sariling kasal, kahapon ay naging maid of honor muna siya sa kapatid ng kanyang kasintahang si Matteo Guidicelli na si Giorgia. 

Si Giorgia ay ikinasal sa kanyang matagal nang kasintahang si Ian Dato sa Mactan, Cebu. 

Nagningning si Sarah kanyang yellow dress kasama ang bride na siya namang nagsuot ng simple ngunit eleganteng white gown. 

Bago nagsimula ang kasal, nagbahagi ng isang matamis na sandali sina Sarah at Giorgia sa isa’t isa sa isang larawan kung saan tinitingnan nila ang kanilang mga engagement ring mula sa kanilang mga kasintahan. 

View this post on Instagram

December 08, 2019 ❤️🙏 thank you Lord!

A post shared by Giorgia Guidicelli (@giorgiafguidicelli) on

Napakaganda ring tingnan ng pamilya Guidicelli nang sabay-sabay silang lumakad sa simbahan.

Suot ng kanilang ina ay isang white and gold gown na may iba’t ibang detalye habang sina Matteo, ang kanyang tatay, at bunsong kapatid na si Paolo ay nagmukhang maginoo sa kanilang gray and black suits. 

Sa ibang mga larawan naman mula sa kasal ay makikita si Paolo na pinupunasan ang luha ng kanyang kuyang si Matteo habang pinapanuod ang pagpapalitan ng vows ng kanilang ate at bayaw.

View this post on Instagram

The most important people in my life. #family

A post shared by Giorgia Guidicelli (@giorgiafguidicelli) on

Samantala, naging hands-on na maid of honor naman si Sarah kung saan makikita sa larawan na inayos nito ang veil at gown ng kinakasal kasama ang mga bridesmaid. 

Noong Nobyembre ay inanunsyo nina Matteo at Sarah ang kanilang engagement at sila naman ang susunod haharap sa altar. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here