Sarah Geronimo, may bagong pelikula ngayong 2019!

0
81
Sarah Geronimo, may bagong pelikula ngayong 2019
Bibidang muli si Sarah Geronimo sa kanyang bagong pelikula na "Unforgettable".

Inilabas na ng Viva Films noong Sabado ang teaser ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo na “Unforgettable”. 

Sa unang pasilip sa pelikula, kasamang nawawala ng karakter ni Sarah ang asong si “Happy”. Nakarating ang mga ito sa karinderya kung saan nandoon ang karakter ni Regine Velasquez, na siyang tinulungan ng dalawang bida ng istorya mula sa kanyang pagkakaaligaga sa order ng kanyang mga customer. Balak ng karakter ni Sarah na bumalik sa kanyang lola na nakatira sa Baguio para dalhin doon si Happy.  

Ang “Unforgettable” ay sanib pwersang proyekto ng Viva Films at ng The Idea First Company. Bukod kay Regine, inaasahan din ang paglabas ni Anne Curtis dito.

Bagong karakter ni Sarah G

Iisa ang espekulasyon ng Popsters sa magiging karakter ng kanilang idolo sa pelikulang ito. 

Trending ang teaser nito sa YouTube hanggang ngayon, dahilan para lalong manabik ang mga supporters ni Sarah. Hindi na sila makapaghintay na pumalo ang pelikula sa takilya!

Base kasi sa mga galaw at pananalita ni Sarah sa pelikula ay tila may sakit ito, idagdag mo pa na nawawala sila ng kanyang alagang aso. Inaasahang magiging isang mabigat na drama movie ang “Unforgettable”.

Sabik din ang mga fans dahil si “Happy” (Milo sa totoong buhay) lamang ang iniisip nilang makakatambal ni Sarah dito at hindi isang lalaki. Biro nila’y di lang silang fans ang sabik kundi pati ang kanilang mga alagang aso. 

Hindi pa nga gaanong klaro ang kwento sa mga tao, pero hangad ng marami na malalim ang magiging epekto ng pelikula sa kanila.

Ang huling ginampanang karakter ni Sarah ay ang Filipino version ng Korean film na “Miss Granny,” kung saan nakatambal niya sina Xian Lim at James Reid.   

Ipapalabas ang “Unforgettable” sa darating na ika-23 ng Oktubre. Isa ka rin ba sa mga nag-aabang sa proyektong ito? 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here