Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Ikakasal Na!

“Being able to experience new things and places with the person you love and grow at the same time is something magical."

0
190
sarah-lahbati-at-richard-gutierrez-ikakasal-na

Laking pasasalamat ni Sarah Lahbati sa Diyos na nagsimula na silang maghanda ni Richard Gutierrez para sa nalalapit nilang kasal sa susunod na taon.

Kagagaling lang ng Kapamilya couple sa Hawaii para magbakasyon.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang isang throwback photo mula sa kanilang trip.

Dito, isinapubliko nya ang plano nilang magpakasal ng kanyang long-time partner.

“That afternoon in Hawaii with my family. (kai was with his granny ❤️)”

“As we officially prepare for our wedding next year, I can’t help but feel grateful for this life I have,

for my beautiful and amazing family, for my best friend who also happens to be the love of my life.

I thank God for all the lessons, for His guidance and for growth.

Being able to experience new things and places with the person you love and grow at the same time is something magical.

I thank God everyday for what I have and for what’s to come. ? • Romans 8:28”

Blog ni Sarah Lahbati

Hindi lang ang engaged couple ang masaya sa kanilang nalalapit na kasal, pati na rin ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

Kanya-kanyang comment ang mga ito sa IG post ni Lahbati.

Bukod pa roon, unti-unti na ring ibinabahagi ni Sarah sa kanyang blog ang kanyang mga karanasan bilang isang ina, asawa, artista, at bilang indibidwal.

Family Goals

Mahaba-haba na rin ang mga panahon na pinagsamahan ng dalawa. Pitong taon na silang mag boyfriend-girlfriend.

Ang kanilang panganay na si Zion ay limang taong gulang na, at ang pangalawang anak nilang si Kai ay mag-iisang taong gulang naman.

Kahit nga hindi pa kasal ang dalawa ay hinahangaan na ng nakararami ang kanilang pamilya at sinasabihang ‘family goals’.

Lokasyon ng Kasal

Ngayon ay talagang napakasaya ng kanilang mga tagahanga na sa wakas ay naghahanda na ang dalawa para sa kanilang nalalapit na kasal.

Siguradong maraming mag-aabang sa anunsyo ng dalawa kung saan ang magiging lokasyon ng kasal.

Sa Pilipinas kaya o sa ibang bansa?


LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here