ALAMIN: Reaksyon ni Sharlene San Pedro sa bullying accusation ni Alexa Ilacad

0
100
sharlene-san-pedro-sa-paratang-ni-alexa-ilacad
Ano nga ba ang reaksyon ni Sharlene San Pedro sa mga paratang ni Alexa Ilacad?

Sa isang panayam, nagsalita na ang dating Goin’ Bulilit star na si Sharlene San Pedro sa mga paratang ni Alexa Ilacad tungkol sa pambubully nito sa kanya. 

Noong October 24, sa presscon ng kanyang pelikula, inakusahan ni Alexa ang dating kasamahan sa Goin Bulilit at LUV U na sina Sharlene at Nash Aguas ng pambubully. 

“Pati yung tweet sa kanila nila Sharlene before… I was so surprised na I woke up one day using my Twitter, and I saw that they were teaming up against me,” pahayag nito. 

“Actually, yung iba naman talaga dun, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako,” dagdag ni Alexa.

Ayaw na raw sana siyang papagsalitain ng kanyang mga kaibigan, ngunit kailangan daw itong linawin ni Sharlene.

sharlene-alexa

“Ang hirap kasi ang ginamit niyang term is bullying,” aniya. “Never, never, never ako mambubully, kasi yung kuya ko po ay na-bully po sa school.”

Dagdag pa ni Sharlene, nagulat daw siya sa mga sinabi ni Alexa tungkol sa pagtatraydor nito sa kanilang pagkakaibigan. 

“Para po sa akin, if she really thought we were friends, sana lumapit siya sa akin, sana kinlear niya po sa akin, kasi I approached her many times.”

Matatandaang sinabi ni Alexa na pinagtulungan daw sila ni Jairus Aquino, nina Sharlene at Nash. Napagdesisyunan na rin niyang i-open up ito dahil gusto na niyang tapusin ang isyu. 

Sa kanyang interview, alam naman daw ni Sharlene na mas naging malapit siya kay Nash dahil lagi daw siyang pinupuntahan at kinukwentuhan nito noong naghiwalay sila ni Alexa. 

“Ang alam ko kaya siya nagtatampo sa akin kasi lagi kong kasama si Nash at lagi kong kausap si Nash, nu’ng naghiwalay sila, si Nash ay laging tumatawag sa akin. Alam mo naman ‘yung kaibigan mong brokenhearted, ‘pag ganun ay kailangan ng kausap.” 

Ipinaliwanag rin niya na hindi niya tinanong ang side ni Alexa dahil gusto niyang respetuhan ito at gusto rin niyang siya mismo ang lumapit at magkwento sa nangyari.

“Kaibigan naman po kasi talaga, may history, may pinagsamahan, naging magkaibigan sa ‘Goin Bulilit.’ So parang nagulat lang ako na, ‘Ay, kaya pala hindi ako pinapansin nito kasi ito ‘yung isyu niya sa akin’,” sabi ni Sharlene. 

Hindi ito ang kauna-unahang naging usap-usapan si Alexa tungkol sa relasyon niya sa kanyang Goin Bulilit co-stars.

Noong nakaraang buwan din ay sinabi nito sa kanyang panayam sa ‘Tonight With Boy Abunda’ na ‘napaisip’ daw siya sa kanyang naging lugar sa buhay ni Nash nang sabihan nito si Mika dela Cruz ng “13 years and I still love you.”


LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here