Sunshine Cruz, reveals daughters’ reason for not using Cesar Montano’s surname as screen name

0
76
Sunshine Cruz, reveals daughters’ reason for not using Cesar Montano’s surname as screen name
Sunshine Cruz, kasama ang kanyang tatlong anak kay Cesar Montano na sina Angelina (right beside Sunshine), Chesca (outer right), and Samantha (left).

Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang dahilan kung bakit hindi gamit ng kanyang tatlong anak ang apelyido ng kanilang amang si Cesar Montano, na kanyang ex-husband, bilang screen name. 

Sina Angelina, Samantha, at Cheska ang tatlong babaeng anak ni Sunshine na piniling gamitin ang apelyidong ‘Cruz’ ng kanilang ina bilang kanilang showbiz surname. 

Ipinaliwanag naman ni Sunshine sa naging event promo, kung saan endorsers ang mag i-ina, kung bakit piniling gamitin ng kanyang mga anak ang apelyidong Cruz, na siyang suhestiyon ng kaniyang manager na si Arnold Vegafria. 

“Pinaalam kasi niya (Arnold) kasi ‘yong careers nila they are more into singing, so we all know that the Cruzes are known musicians talaga. So I think it’s the fault of Arnold. Like si Donna, Donna Yrastorza ‘yan before pero she also uses Cruz so musician kasi. I think Arnold ‘no? This is an advantage for them,” paliwanag ng aktres. 

View this post on Instagram

🎍❤️🇯🇵

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Banggit din ni Arnold na hiningi niya ang permiso ni Cesar bago isapubliko ng mga bata ang kanilang mga showbiz name, na siya namang sinasang-ayunan ng kanilang ama. 

“Nagkita kami sa Las Vegas… Sabi niya, ‘It’s OK anak ko pa rin ‘yan, dugo ko pa rin ‘yan.’ Screen name lang naman ‘yon eh,” kwento ni Arnold. 

Pinaniniwalaan din ito ng 18-year-old na panganay ni Sunshine na si Angelina na makatutulong na Cruz ang gamit niya sa kanyang showbiz career. 

“I feel that the screen name could actually help cause I feel that everyone in the industry has one so since our name is Cruz. Like Tita Donna Cruz, it’s really Cruzes who are musically inclined, so I feel that it could help us. But it’s not our real name, it’s not legally changed or anything, it’s just a screen name,” paliwanag nito. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here