Sweet photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson kumalat sa social media

0
202
Sweet photos nina Julia Barretto at Gerald Anderson kumalat sa social media
Nagkasama sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa pelikulang Between Maybes.

Sa gitna ng haka-hakang lokohan sa relasyong Bea Alonzo at Gerald Anderson, tahimik na nag-post ng mapayapang litrato ang sangkot na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account kahapon, Hulyo 22. 

Tinutukoy niya dito ang pagtatapos ng shooting ng kanilang pelikulang “Block Z,” kung saan kasama nya ang dating nobyong si Joshua Garcia, kalakip ang isang litrato kung saan siya’y may suot na itim na swimsuit. 

“We’re down to our last few days of shooting ‘Block Z’ and while it’s been quite busy and hectic again, I’m looking forward to my next beach trip,” ang sabi ng Kapamilya actress sa kanyang caption. 

Sa kabilang banda, may isang Instagram user na nais patunayan na ang litratong pinost ni Barretto ay isa sa mga litrato mula sa isang bakasyon na kasama si Anderson

Ang paglalarawan ng user sa kanyang account ay isa itong page na laan para sa “Jurald” o ang pangalan ng love team ni Julia at Gerald. 

Sa unang litrato ay kita si Anderson na tila kinukuhanan ng video ang kanyang rumored girlfriend na si Julia. 

Sa susunod na litrato ay kitang inaalalayan ng Kapamilya hunk ang Kapamilya actress habang magkalapit at magkahawak kamay. 

JoshLia 

Ang pahayag naman ni Joshua Garcia ay matalik pa din naman silang magkaibigan ni Julia sa kabila ng kanilang hiwalayan. 

Magsasama pa ang dalawa sa pag-promote ng kanilang pinagbibidahang pelikula na “Block Z.” 

Bwelta naman ni Marjorie Barretto, ina ni Julia Barretto, ay magsasampa ito ng kaso laban sa taong naglabas ng mga litrato ng kanyang anak at ni Gerald. 

Gayunpaman, may isang Instagram user din ang nag comment sa isa sa mga kumalat na litrato ng dalawa, na sinasabi nyang biglaang lakad daw iyon kasama ang pinsan ni Barretto pagkatapos ng isang promotion ng Between Maybes na pinagbidahan ni Julia at Gerald. Ang pahayag ng ibang fans, hindi pa magnobyo ang dalawa sa mga panahong iyon. 

Basahin: Bea Alonzo at Gerald Anderson, hiwalay na nga ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here