Opisyal nang inilabas ang teaser ng ‘Isa Pa with Feelings’ nina Maine at Carlo

0
160
teaser-ng-isa-pa-with-feelings-inilabas-na
Teaser ng 'Isa Pa with Feelings,' nandito na!

Inilabas na ang teaser ng pelikulang ‘Isa Pa with Feelings’ na pagbibidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino. 

Sa unang pasilip ng pelikula, ipinakilala ang mga karakter nina Maine at Carlo bilang Mara at Gali. Hindi sila magkakilala ngunit kinalaunan ay natuklasan nilang magkapitbahay lamang sila.

Bukod pa dito, natuklasan din Mara na bingi si Gali, na maipapakita sa isang eksena kung saan tinuturuan ni Gali si Mara ng sign language.

Nagbaliktad naman ang papel ng dalawa sa isang eksena kung saan makikitang tinuturuan ni Mara ng sayaw si Gali sa isang studio. 

Ang ‘Isa Pa with Feelings’ ay ang kauna-unahang pelikula ni Maine sa Kapamilya Network. 

Bukod pa rito, ito rin ang kauna-unahang pagtatambal nina Maine at Carlo, na parehong nagmula sa magkabilang network.

Samantala, pinag-uusapan ang teaser ng ‘Isa Pa with Feelings’ sa social media at nagtrending din ito Twitter at YouTube.

Silipin ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

Sa ngayon, meron na itong mahigit na isang milyong views sa Facebook. 

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa sa darating na Oktubre 16. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here